The mother of all Tribal Council continued. It was Marvin’s turn to grill Amanda, Justine and most especially Jef.
Marvin : “Good evening, kayong tatlo nandiyan, kasi nautakan niyo kaming lahat, a noong natanggal ako, I understood, 100%. Alam ko kung bakit, di ko nasaktan. But sorry Jef… lahat ng nandito may galit sayo.. pero sa ‘kin, iba… kasi first day schoolyard pick, 2 na lang naiwan. Ikaw, si Tara, pinili ko si Tara bakit? Tingin ko sa Airai mas malakas. I knew I was on the weaker side, di ‘ko gusto na matanggal ka early in the game kaya pinili ko si Tara. Noong nanalo kami ng immunity ako tsaka si Tara who said give the bracelet to Jef. Kasi ayaw ko matanggal kita, nagshuffle, I work extra, ayoko ipakita lahat ng lakas ko pero ginawa ko. Para ‘di ‘ka matanggal. Kasi if we lost one time, ikaw ang matanggal. Camp life same thing, nag extra effort ako. At one time, nagbukas ako ng more than 50 coconuts in one day, gawa ako isang bundok na coconuts kasi gusto mo. Binigyan kita ng jacket ko ‘pag natutulog, I get really really sick alam ko yung lungs ko one side is full. Paglabas ko I was down, fever, cold… Lahat ginawa ko ‘yun kase kaibigan kita. Noong natanggal ako I understood, for you to survive. But when I heard the story lahat ng sinabi mo behind my back, Immature ako sabi mo kay Echo, that’s one of the last things I wanna hear from anybody. Convinced me why should I choose you over the other 2?
Justine: “Kung ako naman mananalo sisiguruhin ko na may kapupuntahang maayos iyong pera at ‘di lang masasayang at sisiguruhin kong ‘di lang ako at an gang pamilya ko ang makikinabang noon.”
Marvin : “Jef.”
Jef : “Sorry kung sa lahat, kung nasaktan kita in any way. Sana after this bigyan mo ako ng chance to talk to you and then, mag-open sa’yo. Doon sa tanong mo, kasi naghirap din ako dito sa larong ito just like everyone else. Physically kasi I know I’m not able e. So ginamit ko siya sa ibang way na alam kong magdadala sa akin dito.”
Amanda: “Kaya sumali ako dito, and I think I deserve a chance not because mas marami akong pera kay Jef, mas marami akong pera kay Justine. Hindi naman ito porke’t ikaw ang poor, ikaw ang dapat manalo. Kailangan tingnan n’yo lahat, all the angles. The reason why I want the money is to start a new life not as a construction worker but to start a new business, bayaran lahat ng utang ko and start na new business and start a chicken farm that hopefully will work, sa Mindoro.”
|
AMANDA COLLEY VAN COOLL, SOLE SURVIVOR NG SURVIVOR PHILIPPINES PALAU!

Itinanghal na pinakamautak, pinakamagaling at pinakamatatag ang dalawampu’t limang taong gulang na construction worker at tinaguriang “Probinsyanang Tisay” ng Mindoro na si Amanda Colley Van Cooll, bagay na nagluklok sa kanya bilang bago at ikalawang Pinoy Sole Survivor ng edisyong ito ng Survivor Philippines: Palau.
Si Amanda ang matagumpay na mag-uuwi ng tatlong milyong pisong cash prize matapos niyang matalo ang transsexual “Beauty Queen” na si Justine Ferrer at ang “Girl-Next-Door” na si Jef Gaitan batay sa botong pinagpilian ng pitong Castaways na bumubuo sa jury.
Nang dumating ang merge ng dalawang tribo, nagsimulang magpakitang gilas si Amanda matapos nitong maipanalo ang magkakasunod na individual immunity at reward challenges.
Para makapasok sa Final Three, naipanalo ni Amanda ang tie-breaker face-off challenge sa tribal council laban sa Raketistang si Charles de Vera Fernandez.
Pero nagsimula pa lang ang totoong laban ng Final Three sa pag-uwi nila sa Pilipinas. Hanggang noong Biyernes ng gabi sa ginanap na Live Finale, isang malaking palaisipan pa rin kung sino ang ibinoto ng jury.
Maging ang host ng programang si Paolo Bediones, walang kaalam-alam sa resulta ng botohan kaya’t naging makapigil-hininga ang naging anunsyo.
Sa huli, si Amanda ang nakakuha ng pinakamataas na bilang na boto. Siya ang itinanghal na panalo at mag-uuwi ng pinakamalaking premyong tatlong milyong piso kasama na ang prestihiyosong titulo na Pinoy Sole Survivor.
Mending Broken Hearts
The final three castaways - Amanda, Justine and Jef returned to their camp. Justine started a fire for their bonfire, while Amanda went straight to the beach. Jef approached Justine and tried to mend their broken relationship by asking if the latter was still angry at her.
Justine: “Hindi ko alam sasabihin ko.” Jef : “Alam mo, just like ‘yung kay Amanda, importante sa ‘min yung yung okay tayo kasi right now wala akong pakialam sa 3 million gusto ko lang maging okay with you, maging okay kay Amanda kasi alam ko sa lahat ng nakasakit and nangbulls**t parang feeling ko in the end, just because i want to prove something. Ako pa ang may pinakanasaktan at mas may pinakapinaikot.”
Justine accepted Jef’s reconciliation. Justine said that she treated Jef as a younger sister. Both Justine and Jef were in tears as the the two of them embraced each other after saying their apologies after an emotional and heated Tribal Council. Later, it’s time for Amanda and Justine to kiss and make up.
Amanda: “No, it's ok. Promise. I understand everything, I understand it's a game and I’m so happy tapos na .Sobrang happy ako. If nagalit kita like I’m sorry kasi…”
Justine : “Mas malaki ‘yung kasalanan ko sa ‘yo.”
For Justine, she has already accepted that the three of them ended up to the Final 3.
“Actually happy naman ako na kami iyong naiwan kasi that’s God’s will,” Justine said.
Day 39
Like the sunrise after the storm, it was a totally different mood when the girls woke up to their last day in the island. The girls ate their last meal.
Their last evening in the island came. Paolo welcomed the final three castaways to their last tribal council. Then entered the seven members of the jury: Marvin, Tara, Echo, Suzuki, Shaun, Mika and lastly, Charles. Paolo took the immunity necklace from Justine.
Paolo said that the power now lies in the hands of the members of the jury. He then allowed the three remaining castaways to make their opening statements. Justine was first to give her speech.
Three vs. One
The second to the last Tribal Council continued with the three vs. one setup. Paolo continued the discussion with Charles, Jef and Justine while Amanda was temporarily isolated in the tunnel.
Paolo: “Yesterday sinabi mo walang utang na loob dito, walang sama ng loob. So, you’re taking it back now because you’ve been very emotional?”
Justine: “No, it’s not about utang na loob, ang sa akin lang, nagbuo ka ng alyansa, dapat malinaw sa isip mo yun. Ang kinakasama lang ng loob ko, sana nung umpisa pa lang kung talagang hindi siya sure, sana hindi na lang niya GINAMIT iyong alyansa para panandalian niyang matakasan yung kinalalagyan niyang sitwasyon.”
Paolo : “Jef, doon sa nangyari at doon sa pinag-usapan ni Charles at ni Justine, anything na gusto mong i-clarify?”
Jef : “Honestly wala, wala. Wala na ‘kong dapat iclear, wala na kong dapat sabihin, Im sure in time malalaman din nila kung ano ‘yun.”
Justine then went out to change place with Amanda.
Paolo : “Since wala si Justine, siya iyong pag-usapan natin. Ano ang nangyari kanina sa camp?”
Amanda: “Tinanong ko si Charles, sabi ko Charles sino bang ivovote mo? Tapos sabi niya Amanda ikaw talaga. So okay, tapos sabi ko, why? Tapos ewan ko paligoy-ligoy siya, ang gulu-gulo niya. Tapos parang pinakita ko sa kanya, parang inano ko na Charles, si Justine na lang ang tanggalin natin kasi if you think about it mas may chance kaming tatlo sa jury kung wala si Justine na sabi niya naisip niya rin yun. Tapos prinomise pala ni Charles sa akin ‘yung immunity necklace.”
Paolo : “So, sinabi niya ibibigay niya sa’yo?”
Charles: “Pero hindi ako nangako.”
Paolo : “Jef, bakit ganoon tumingin si Justine sa ‘yo kanina?”
Charles: “Sagutin mo.”
Jeff : “Wait lang Charles… Tina-try kong sabihin kay Charles na if you go for Justine baka wala tayong chance, if you go for Amanda baka sakaling meron. Tapos hindi ko na alam, narinig pala ni Justine tapos ‘yun na and then nag-away sila ni Amanda and then Justine is telling me nga na kaya ko lang ito ginagawa kasi parang okay na kaming tatlo eh, okay na ‘yung usapan namin. Okay na pero just because gusto kong i-save yung friendship namin ni Amanda, pinagpalit ko iyong alliance.”
Charles: “Tama na’ng iyak…”
Paolo : “Nagulat ka ba na nagalit is Justine or expected mo ‘yun?”
Jef : “Expected kasi sa camp naman pinakita n’yang galit, hindi naman sya nagtago eh. Mayroon pang sigawan, basagan and all…”
Paolo : “Basagan ng?”
Jef : “Palayok.”
Paolo : “Sinong nagbasag ng palayok?”
Jef : “Hindi iyong takip lang, na parang sa galit ni Justine na basta ginanun n’ya hindi kasi ako nakatingin sa kanya that time eh, tapos ayun.”
Paolo : “Alright. So given yung nangyari sa camp and given that we have one more day to go. Do you know where to go? Alam mo na ba yung dapat mong gawin?”
Jef : “I’ll go with the original plan.”
Day 38
Justine and Jef talked in the forest. Jef said that she felt that would rather be voted out than Amanda.
Jef : “Gusto kong kausapin si Mands kasi siyempre kahit papano, magkaibigan kami.” Justine: “Magkaibigan pa rin. Di ba sabi niya?” Jef : “Oo magkaibigan pa rin kami so kung merong... Oo tama siya game ‘to pero feeling ko ako ‘yung kahit papano nag-cause ng pagbe-breakdown niya. So I think ibigay niyo na sa akin ni Charles yung time lang na kausapin ko si Mands.” Justine: “Oo naman! Wala namang problema.”
“Basta ang sinasabi ko pa rin na mahihirapan ako. Mahihirapan akong isulat ‘yung pangalan ni Amanda doon,” Jef said.
Jef : “Hindi ko alam. Parang ayokong mabigay sa’kin ‘yung immunity necklace... “ Justine: “E di akin na lang kung ayaw mo!” Jef : “Hindi, ako na kaya yung ma-vote-out... Hindi ko alam! “ Justine: “Bakit mo sinasabi ‘yan?”
Justine admitted that she was worried at every conversation that was happening behind her back.
“Ang sakin lang sa tuwing mag-uusap bawat isa, apat na lang kami, parati na lang akong may kaba. Na baka kung ano na naman mangyari,” Justine said.
For Justine, she’d rather be against Jef and Charles for the final three.
Justine: “Kayo ’yung gusto kong makasama e.” Jef : “Ang layo na nang narating natin no?” Justine: “’Di ba? Sabi ko sa’yo inconsistent ka eh... Kaya parati akong kinakabahan sa’yo eh! Nag-make ka na ng stand, nagdire-diretcho na, nasaktan na sila, maghihilom yun. E di panindigan mo na! Kasi kahit siya naman ipalagay mo sa posisyon mo na dapat sa’yo eh, sa tingin mo may magbabago? Anung iisipin niya? Ano ‘to consolation?”
“Medyo convinced ako sa part na yun pero at the back of my head, nagwe-weigh pa rin na parang wala nga. Wala akong chance so mahirap,” Jef said.
|
|
|
|
|
|
|
Page 1 of 14 |