
Episode on November 15, 2008
Saturday, 8:30 p.m.
Natural Dye
Usong-uso ngayon sa international fashion scene ang paggamit ng mga eco-friendly na mga damit. At siyempre hindi papahuli dyan ang husay nating mga Pinoy. Pinatunayan ito ni Anthony Legarda, isang US-based Fil-Am fashion designer. Ang kanya kasing mga dinisenyong damit, kinulayan ng natural dye…o mga pampakulay na mula sa dagta ng mga puno at halaman. Ang pamamaraang ito ng pagkukulay ng mga tela, buhay na buhay pa rin pala sa Tingguian tribe sa Abra.
Pinoy Robots
Kamakailan lang, nasungkit ng tatlong mag-aaral ng Grace Christian Elementary School ang Silver Award sa kakatapos na World Robot Olympiad na ginanap sa Yokohama, Japan. Ibig sabihin lang nito, talagang nakikipagsabayan na tayong mga Pinoy sa larangan ng Robotics. Ang ilang mga estudyante nga ng Mapua nakaimbento ng robot na may kakayahang dispatsahin ang isang hinihinalang bomba. Pinagkakaguluhan din ngayon ang robot na ginawa ng Robotics Society of the Philippines na talaga naman daw nakakapagbibigay aliw. At bilang patunay na seryoso talaga tayong maging bihasa sa larangang ito, may isang eskwelahan sa Batangas, na sa elementarya pa lang, tinuturo na ang Robotics.
Early Christmas Shopping
Kung dati sa Amerika lang may mga totoong Christmas Tree, ngayon, meron na rin niyan dito sa Pilipinas. Dahil may isang farm sa Batangas na nagbebenta ng mga pine tree na ginagawang Christmas Tree! Isa nga raw ito sa mga unang dapat bilhin kung ika’y mag-e-early Christmas shopping. Lalo pa’t ang mungkahi ng DTI, ngayong gitna ng Nobyembre raw pinakamainam mamili. Isama rin sa listahan ng mga pwedeng bilhan ang isang bagong bukas na toy store sa Ortigas kung saan bago pa man bilhin ang mga laruan, pwede na rin itong butingtingin. Ang mga best buys at best gifts para sa nalalapit na Pasko ngayong Sabado sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Photo credit: wallyg




