Episode on January 17, 2009
Saturday, 8:30 p.m.

Fat Transfer
Kung noon tinatagtag at sinisipsip ang mga pesteng taba sa katawan, ngayon pwede na raw itong pakinabangan. Dahil ang iba, inililipat sa ibang parte ng katawan na nais pagandahin ng pasyente. Ito ang nauuso ngayon sa larangan ng medisina - Fat Transfer!
Pet Employees
Marami sa atin mahilig magalaga ng mga hayop. Bukod kasi sa nakakaaliw silang kasama, nakakatuwa rin silang panoorin lalo na kapag may mga alam silang tricks! Pero hindi lang basta basta tricks ang kaya nilang ipamalas, marami sa kanila, napapakinabangan sa mga gawain! Ilan lamang sa kanila ang isang uwak na maid, baboy na nag-aastang singer at sawang bodyguard!
Women Lifters
Para itong weightlifting pero ang sport na ito, mas maraming proseso — powerlifitng. At hindi lang ito para sa mga maskulado, dahil maging ang mga kalahi ni Eba, lokong-loko na rin dito ngayon!
Putik
Tunay ngang kapag hinukay ang putik, makatatagpo ng ginto. Sa dami ba namang naitutulong ng mga putik sa tao, biyaya itong maituturing. Dati rati ay, ginagamit lamang ito sa mga tradisyunal na palayok at magagarbong sculptures.ngayon, in na raw itong gawing muwebles at accessories!
Photo credit: Terry Bain




