Episode on January 24, 2009
Saturday, 8:30 p.m.

Barack Obama
Sa ika-20 ng Enero, handa na ang buong mundo sa pagbabago!
Ang araw ng makasaysayang pagsalubong kay Barrack Hussein Obama, Jr. bilang ika-44th Presidente ng Estados Unidos.
Tinatayang nasa apat na milyong katao ang inaasahang makikiisa sa engrandeng selebrasyon sa United States Capitol sa Washington DC. Kasama na rito ang isa sa mga premyadong brodkaster natin sa telebisyon — si Jessica Soho.
Sino nga ba si Barrack Obama?
Paano tayo maaapektuhan ng ipinapangakong pagbabago ng papasok niyang administrasyon?
Ilan lamang ito sa mga isyung tatalakayin sa aming espesyal na handog ngayong Sabado sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Tattoo Branding
Ang Pag he-hero raw sa baka ginagawa na din sa tao. Ito ang bagong paraan sa Tattoo, tinatawag nila itong Tattoo Branding o ang paglalagay ng disenyo sa balat ng tao gamit ang nagbabagang apoy at bakal. Isinasagawa na umano ang paraan ito noong 18th century pa ng mga Hari upang maging simbolo kung ikaw ay isang pag a-ari ng mga pari, isang alipin o isang kriminal. Maituturing nga ba itong art o isa lang kahibangan?
Banana Republic
Minsan nang tinaguriang “Banana Republic” ang Pilipinas dahil sa ekta-ektaryang taniman ng saging at sa pabagu-bago nating konstitusyon tatlong dekada na ang nakararaan. Mahigit 80 uri ng saging ang tumutubo rito kasama na ang uring Cavendish na iniluluwas sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Hanggang nakarating nga ito sa bansang Japan kung saan lumikha ito kamakailan lang ng ingay sa paniniwalang nakapagpapapayat ito — Banana Diet!




