Archive | Public Service

Help for Tree Men

Posted on 21 October 2009 by KMJS admin

THE FOLLOWING PEOPLE HAVE BEEN FEATURED IN OUR SEGMENT ON RARE SKIN CONDITIONS LAST SATURDAY, OCTOBER 17.

38 year-old Imelda Jamilosa is a resident of Sta. Cruz, Ilocos Sur. She suffers from Scleroderma, a rare disease characterized by the hardening and thickening of the skin’s texture. As of now, experts are still searching for the right treatment for her condition.

34 year-old Randy Adena Cruz suffers from Keratoderma, a genetic condition that typically affects the hands and feet. Severe or resistant Keratoderma may require treatment with tretinoin cream, which can only be prescribed and monitored by a dermatologist.

"Roy"

Seven year-old “Roy” from Quezon City suffers from an abnormal mole enlargement. Doctors suggest that he undergo an operation as soon as possible.

INQUIRIES FOR DONATIONS MAY BE COURSED THROUGH OUR OFFICE NUMBERS: 982-7777 LOCALS 1426 - 1427 (PLEASE LOOK FOR JAQ).

YOU CAN ALSO EMAIL: kmjs@gmanetwork.com

Comments (2)

Tags:

Pinagdugtong na Tadhana

Posted on 27 August 2009 by KMJS admin

ni Bell Yumol, Segment Producer

Parang binibiyak ang aking mukha nang una kong makilala ang magkapatid na sina Joy at Joyce— conjoined twins.

Hilahan sila ng hilahan kaya parang nauubos tuloy ang aking lakas habang kinukunan namin sila ng video. Magkadikit ang kanilang mga noo kaya natatakpan ang kanilang magkabilang mata.

Sa obserbasyon ko, tila sabik na sabik na silang magkahiwalay. Sawa na kaya sila sa isa’t isa?

Pero sabi nga ng kanilang ina, magkadikit man sila sa ulo, magkaibang-magkaiba pa rin daw ang dalawa. Tahimik daw si Joyce samantalang si Joy may pagka-malikot. Kapag naman natutulog si Joyce, gising ang kakambal nito na pilit tumatayo.

Sa kabila nito, matatagalan pa raw bago mapaghiwalay ang mga batang ito dahil sa sakit nilang pneumonia.

Meron pa akong conjoined twin na nakilala… sina Toni at Jhonny, 41 years old.

Si Jhonny at Toni: ang Pinoy version ng “kambal-tuko”

Aminado rin silang magkaiba ang kanilang personalidad.

Si Jhonny, may asawa na. Kaya tuloy kahit saan sila magpunta ng kanyang asawang si Rissa, saksi rito ang kakambal na si Toni.

Dito ako naintriga.

Tinanong ko si Toni:

“Toni hindi ka ba nalulungkot or naiinggit sa kakambal mo dahil wala kang kapartner? Bakit hindi ka pa nag-aasawa?”

SI Tony: “Hindi naman kasi hindi babae ang hanap ko… kundi lalaki? (sabay tawa) At sa tingin ko hindi pa ipinanganganak ang para sa akin.”

Pagkatapos kong marinig iyon, hindi ko napigilan ang mag-alinlangan — joke lang ba ‘yun o totoo?

Pero ayon na rin kay Rissa, may pusong babae nga si Toni. Sa katunayan, siya ang kanyang BFF o Best Friend Forever. May make-up kit pa nga raw ito na itinatago at magkasundong-magkasundo raw sila pagdating sa pananamit.

Magkaiba man daw ang itinitibok ng puso nina Toni at Jhonny… may isa silang pagkakapareho: Pareho raw silang nagkasundo na kailanman, hindi sila magkakahiwalay. May nag-alok na sa kanila ng operasyon, pero mas gugustuhin pa raw nilang mabuhay at mawala sa mundo nang magkadikit kahit na.

Napahanga ako sa naging desisyon ng kambal.

Mukha mang mahirap ang sitwasyon nila… sa magkadikit nilang tadhana sila naging tunay na masaya.

***

Para sa mga nais tumulong sa Arciaga twins:

Salvador Argancia: (0908) 412-1967

***


Magsino Twins:

magsino-twins

Menchie Silvestre: (0918) 963-4583

Comments (0)

Tags: , , ,

The “Octopus Man” and Jinkee Pacquiao

Posted on 27 August 2009 by KMJS admin

Ang isa sa mga pinakamatandang tao na may parasitic twin sa buong mundo — si Rudy Santos, a.k.a. “Octopus Man”

Sumikat si Rudy Santos sa mga karnabal noong dekada sitenta hanggang dekada otsenta bilang si “Octo-man.” Meron kasi siyang apat na braso at tatlong binti. Nang ipinasuri siya sa mga espesyalista, napag-alamang meron pala siyang parasitic twin, o kakambal na hindi tuluyang humiwalay sa kanyang katawan.

Ngayon, kinikilala siya bilang isa sa mga pinakamatandang nabubuhay na may parasitic twin sa buong mundo. Alamin kung paano niya sinuong ang mga pagsubok at panghuhusga ng mga tao. At kung bakit hindi natin siya dapat katakutan lalo pa’t ang tanging hangad lang naman niya ay mamuhay ng normal. Sa kauna-unahang pagkakataon sa Philippine media, ibabahagi ni Rudy ang kanyang buhay sa multi-awarded broadcast journalist na si Jessica Soho.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagpaunlak ng panayam sa Philippine media si Rudy “Octopus Man” Santos

Samantala, kinatatakutan at pinangingilagan sa buong mundo ang bagsik ng kamao ni Manny ‘Pacman’ Paquiao. Pero lahat daw ng kanyang tapang, knock out sa ganda at karinyo ng kanyang misis na si Jinkee, ang kumander ni Pacman. Tuklasin ang kanyang mga pinagdaanan, kung paanong mula sa pagiging simpleng maybahay, product endorser na rin siya ngayon at patuloy na gumagawa ng sarili niyang pangalan.

Knockout ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao pagdating sa ganda at abilidad ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao

Ang istorya ng buhay nina Octo-man at ng Kumander ni Pacman, pagkukwentuhan natin ngayong Sabado ng gabi sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Comments (8)

Tags: ,

My Cory Connection

Posted on 04 August 2009 by KMJS admin

ni Tetet Ranoco - Associate Producer

“Tetet, meeting tayo, kailangan nating magbrainstorm tungkol kay Cory. Gagawa tayo ng tribute para sa kanya.”

Tawag ito mula sa Executive Producer ko noon… naisip ko… naku ano naman kaya ang mai-co-contribute ko e bata pa ko nung namayagpag si Cory?

And so the meeting happened.

Tama nga ako, hindi ako maka-relate sa ibang mga bagay na pinag-uusapan sa meeting. Like meron palang tula na ginawa si Ninoy para kay Cory, may mga trivia pang binabato during brainstorming na hindi ko naman natutunan nung History classes ko. Kaya sabi ko tuloy sa sarili ko, ano ang maco-contribute ko sa meeting na ito?

Nung pinag-uusapan na yung tungkol sa pagkamatay ni Ninoy Aquino… biglang naglight up ang face ko! May mai-co-contribute na ako sa meeting na ito! At mas personal pa.

Kahit na nakalampin pa lang ako nung mga panahon ni Cory (dahil hindi pa noon uso ang diaper), may mga bagay pala sa buhay ko na maididikit kay Cory.

Ang aking Tatay, Bobby Ranoco, noong snap elections

Sa media rin nagtatrabaho ang Papa ko bilang photographer sa Reuters. Kaya naman noong binyag ko, natural lang na mga taga-media rin ang kinuha niya noon para maging ninong at ninang ko… mula sa mga photographer, cameraman at newscaster. Dinaig ko pa nga raw nun ang artista dahil aakalain mong may coverage nang araw nang binyag ko.

August 21, 1983 - Araw ng aking binyag at araw din ng kamatayan ni Ninoy Aquino


Ang nakakatuwa rito, nung moment na binibinyagan na raw ako biglang pumutok ang balitang binaril si Ninoy!
Opo, August 21, 1983 ang petsa nang binyag ko.
Kwento sa akin ng Mama ko, nawalang parang bula ang mga ninong at ninang ko dahil nagtakbuhan sila dun sa airport. Kaya ang resulta, kami-kami na lang daw ng nanay ko ang natira sa simbahan. At syempre iniwan din ako ng Papa ko nun dahil hindi rin siya papayag na wala siyang litrato ng historic moment na iyon.
Isa pang kaugnayan ng buhay ko sa buhay ni Tita Cory meron akong kapatid na Edsa baby. Mismong Feb 25, 1986 naman kasi nang ipinanganak ang bunso kong kapatid. Kaya as usual wala na naman ang Papa ko nun para samahan si Mama sa kanyang panganganak.

Nasa dugo na namin ang pagiging miyembro ng media

Back to the meeting, dahil sa mga naalala kong experiences, tinext ko ang Papa ko. “Papa, nagmemeeting kami tungkol kay Cory. May mai-input ka ba? Kasi bata pa ako nun e, kaya wala akong mai-contribute dito sa meeting. “

Nagreply ang Papa ko. “Anak, subukan mong itext ang ninong mo.”

Sabi ko “Huh? Sinong ninong? E wala nga akong kakilalang ninong ko”

Sagot ng Papa ko: “Si Ninong Baldo mo, official photographer ni Tita Cory. Siya lang ang may close encounter… at makakapagshare pa ng personal experiences yang Ninong mo. May ibibigay pa sa’yong mga litrato niya noon yun with Cory. Palagay mo anak?”

Sagot ako agad: “Naman Papa. Salamat!”

Ang tinutukoy ng Papa ko ay ang Ninong Val Rodriguez ko na nagta-trabaho na ngayon sa Philippine Star. Agad ko itong shinare sa mga ka-brainstorm ko. (marahil alam na nila ang tono ng pananalita ko ):

Ninong Val Rodriguez

“Ito po text ng Papa ko, official photographer ni Tita Cory. Mashe-share niya experiences pati exclusive photos niya with Cory.” Kasabay nito sa loob-loob ko, “Ayos may nacontribute din. Bonggang idea pa!”
Ang kaso nung tinext ko na Ninong ko, grabeng hirap niyang kumbinsihin! Siyempre pressured ako na kailangang mapapayag ko yun dahil nag-e-expect ang lahat maging ang mga boss na maiinterview siya.
Susko!

Kaya sangkatutak na beses ko siyang tinext. Pati Papa ko sabi ko itext niya na dahil nag-aantay ang crew buong araw para sa interview niya. Pero buong araw akong walang natanggap ng text sa Ninong ko.

Hanggang sa sabi ko sa Ninong ko, “Ninong, matagal naman na tayong di nagkikita e. di mo na nga ako nireregaluhan e… hehe… pamasko mo na sa akin to… bawi mo na sa lahat ng pagkukulang mo sa akin,hehe… sige na pumayag ka na.. nag-aantay po crew naming buong araw para ma-interview ka… sige na po ninong”

After a few minutes… sa wakas sumagot na rin ang ninong ko! Tumawag pa!

“Sige na sige na, papayag na ako,manang mana ka sa tatay mo ang kulit mo! Bukas 12 noon. Dalhan mo na lang ako ng burger king. Hehehe!”

Sinabi ko sa producer at researcher na assigned sa istorya na ito ang oras.

Sabi ko pa ‘wag silang malate dahil istrikto siya at baka mag-backout pa.

At naganap na nga nga ang interview.

Matapos nito, sabi sa akin ng producer na pumunta, ”Di naman suplado Ninong mo e, jeproks nga e. Tsaka mabait naman ah, umiyak pa nga sa interview e!“

Tama nga sya. Dahil nung napanood ko ang interview, tinext ko agad Ninong ko.

Sabi ko ”Ninong salamat po at naibahagi mo ang kwento mo, ang ganda po ng interview niyo.”

Sabay sumagot naman si Ninong. “Salamat din inaanak, maganda ang segment. Worth it naman pala yung pangungulit niyo sa akin. Hehehe!”

Comments (2)

Tags:

Mapanganib Na Balat

Posted on 17 February 2009 by KMJS admin

ni Joselito C. Tan

Lunes na noon at wala pang istoryang nakatoka sa akin para sa linggong iyon.

Pressured ako dahil pangalawang istorya ko pa lang ito na ipo-produce para sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Hanggang sa sinabi na sa akin na balat o birthmark ang gagawin kong istorya.

Noong una, sinabi ko sa sarili ko, “Ano ang bago rito?” Kailangan daw na maipakita ang mga panganib na dala ng balat o birthmark. Naisip ko, magiging magandang ulat-pangmulat ito sa mga tao.

At ito nga ang naging tulay para makilala ko si Ate Nima.

Hindi ako makapaniwala sa tila sumpang sinapit niya noong unang magkrus ang aming landas. Ang inaakala kasi niyang simpleng marka sa kanyang katawan, unti-unting umumbok at nagkabukul-bukol.

Si Ate Nima at ang kanyang balat

Si Ate Nima at ang kanyang balat

Dati raw patag lang ang balat na ito. Pero nang nagdalaga na siya, sumabay ito sa iba pang mga pagbabagong naranasan niya subalit sa paraang kahila-hilakbot.

Ayon sa mga doktor na pinagkonsultahan niya, hemangioma raw ang tawag dito.

Iba ang kaso ni Ate Nima sa mga ordinaryong biktima ng hemangioma. Sa halip kasi na lumiit ito habang siya ay tumatanda, lalo pa itong lumalaki at bumubukol.

Ang labis na ikinababahala ni Ate Nima, hirap nang makakita ang kanyang kanang mata. Bukod dito, hirap na rin siyang makakain dahil sa malaking bukol na tumubo malapit sa kanyang bibig.

Ayon pa sa kinonsulta naming espesyalista, sa mga darating na araw, buwan o taon, maaari na rin nitong matakpan pati ang ilong ni Ate Nima. Banta ito upang tuluyan na siyang hindi makahinga.

Gaya ng inaasahan, hindi naiwasan ni Ate Nima ang mapanghusgang mata ng lipunan.

Dahil sa kanyang balat, marami nang pangungutya ang tiniis ni Ate Nima.

Dahil sa kanyang balat, marami nang pangungutya ang tiniis ni Ate Nima.

“Aswang… multo… balat…,” ilan lamang sa masasakit na salitang narinig niya sa mga taong hindi makaunawa at makaintindi sa kaniyang sitwasyon.

Magkahalong emosyon ang naramdaman ko habang tumatakbo umiikot ang aming kamera — awa at pagtataka.

Awa dahil sa mga pang-aalipustang dinaranas niya dahil sa kaniyang kondisyon, at pagtataka kung paanong ang simpleng balat puwedeng sirain ang iyong buhay.

“May tumawag nga sa akin noong mga medical students, ang sabi nila, tutulungan daw nila akong maoperahan, project daw kasi nila sa eskuwelahan. Ang sabi ko nga, titiisin ko na lang na mapageksperimentuhan maalis lang ang balat na ito sa mukha ko. Pero ‘di na ulit sila bumalik sa akin, kaya sabi ko, mukhang malabo nang matanggal itong balat ko.”

Umaasa pa rin si Ate Nima na may tutulong sa kanya

Umaasa pa rin si Ate Nima na may tutulong sa kanya

Ang pinaka hindi ko lubos na maunawaan, bakit ang tulad pa niyang walang kakayahang magpagamot ang naging biktima ng ganitong karamdaman.

Naikuwento pa nga niya, kulang na nga raw ang kinikita ng kaniyang asawa para sa pagkain nila kaya tiyak daw na malabo nang maipatanggal pa ang balat sa mukha niya.

Hindi man namin siya naipa-opera, puno pa rin kami ng pag-asa nang nilisan namin ang bahay nila Ate Nima.

Sana’y may mga taong magpapakita ng interes na tulungan siya.

Para sa mga nais tumulong kay Ate Nima, makipag-ugnayan lang po sa numerong 9827777 local 1426 at 1427.

Comments (4)

Tags: ,

Pagsilip Sa Mundo Ng May Autism

Posted on 04 February 2009 by KMJS admin

by Arianne Betita

Paano nga ba nakikipag-usap sa mga taong may sariling mundo? Tanong ko ‘yan sa sarili habang binubuo ang segment tungkol sa autism.

Hindi kasi naging madali ang pagshu-shoot namin sa mga case studies. Kinailangan ko pang ikuwento sa mga magulang nila kung ano ang gusto kong mangyari upang sila na ang matiyagang magpaliwanag sa kanilang mga anak.

Iyong isang batang case study namin, hindi namin makuhanan ng detalye ang mukha. Kung saan-saan kasi tumatakbo at kung anu-ano ang ginagawa. At para lang mapirmi siya sa isang lugar, sinuhulan pa siya ng kaniyang nanay ng candy.

Iggy, a child with autism

Iggy, a child with autism

Napansin ko rin na kahit 8 years old na siya, para siyang baby kung kausapin ng kaniyang nanay at yaya. At dahil hindi rin siya puwedeng maiwang mag-isa, buong araw nakabuntot sa kaniya ang kaniyang mga bantay.

Imagine, isang bata pa lang ‘yan. Paano pa kaya ‘yung paghihirap noong isa naming case study na dalawang anak ang may autism.

Marami siguro sa atin, naaawa sa mga magulang ng mga batang ito. Pero matapos kong masaksihan kung paano sila magsakripisyo at kung paano nila ibinubuhos ang kanilang oras at atensyon sa kanilang mga anak, hindi awa ang nadarama ko para sa kanila… kundi paghanga.

Paghanga dahil ibayong pagmamahal at pag-unawa ang kinakailangan upang mag-alaga ng mga batang may sariling mundo.

At sa pamamagitan ng mga magulang na ito, nalaman ko rin sa wakas kung paano ipaliliwanag ang aking sarili sa mga batang may autism… Kailangang ako ang pumasok sa kanilang mundo.

At sa aking pagsubok na intindihin ang kanilang isipan, marami silang naituro sa akin… Tinuruan nila kong makinig, makipaglaro na parang bata, maging mapag-pasensiya, at maging appreciative sa mga ibinahagi nilang talento – mula sa pag-do-drawing hanggang sa music, math at geography.

Ipinakita rin sa akin ng case studies kong may autism, na hindi hadlang ang kanilang kondisyon upang matupad ang kanilang mga pangarap sa buhay. At sa tulong ng mga taong nagmamahal at handang umintindi ng kanilang mundo, malayo pa ang puwede nilang marating.

Comments (2)

Tags: ,

The Perfect Myx

Posted on 03 February 2009 by KMJS admin

by Aileen Rae P. Perez

myx-blood

Here’s one of the perks of my job: During coverage, I get to meet a lot of interesting people.

And last week was no different.

I was able to interview members of Myx Blood – a bunch of talented Amerasians from Philippine Children’s Fund of America in Pampanga.

They were funny and bubbly, especially during our short trip from the shoot location to Paradise Ranch, their “headquarters”.

I never had a problem “ordering” them around because they were all too eager to strut their stuff on camera and believe me, case studies with energy levels comparable with that Energizer bunny ad mascot are always a blessing for us, TV people.

But aside from their talent in singing and dancing… these kids, whose ages range from 17 to 30 (okay, 30 will NEVER pass as a kid!), have one thing in common: they were not blessed with a complete family.

Some were left behind by their American father after the US bases closed in the ‘90s… some had never seen their Filipina mother since birth… each member’s story is different, but they all have the same theme.

When I asked them how they cope, they all attest to the support they get from their group.

Which made me think how ironic their lives turned out to be, what with the Filipinos’ fascination with half-Americans or half-whatever-their-nationality-may-be… their world might not be the “paradise” they’re hoping for, but at least, these young people are smart enough to get into something… well, entertaining.

Dancing might not “save” them from their fate, but it’s so much better than blaming the cosmos for their misfortunes and resorting to loser tendencies, like drugs, violence and alcohol.

After our shoot, I decided to put on video their’ message to their long-lost loved ones.

And just to be sure, aside from a crude cellphone video, I even asked them to email me their messages.

Only two responded, but that’s okay.

In my line of work, it’s always a pleasure to have the opportunity to make this world a better place.

I think these guys deserve their own spot in cyberspace.

Who knows?

This time, luck might be listening.

***

Dear Mr. Mark Lee,

I’m Jenarlon Fernandez from Angeles City Philippines.

I hope you will read this message and I know you will have a heart to read this.

My mother’s name is Fatima Fernandez. When she was single, her name was Emma Fernandez.

My purpose for this letter is I want to see you and to hug you.

I’m your son. I don’t need your money. I only need to see you in person.

I’m still hoping and believing that you are still alive. If you read this message please contact the staff of KMJS from GMA7, they know my contact number.

I still love you even though we do see each other.

Your son,

Jenarlon Fernandez

***

I’m Ollie (Ali) A. Barge, 30 years old.

Here’s the information about my biological mother whom I haven’t seen for 30 years:

Name : Lita Ramirez
Province : Zamboanga
DOB : June 28, 1954?
Last Known whereabouts/address: Canada/US

My known parents: James W. Barge - Ret. US Air Force & Matilda Gonzales

If you know the whereabouts of my biological mother, kindly contact me through the staff of KMJS.

I do appreciate your help.

Thank you so much and God Bless.

Sincerely,

Ollie Ann Barge

Comments (3)


Ayuyu, Pinoy Bags in Hollywood, and Condoms!


“Ayuyu” or mud lobster thrives on the banks of Pamplona, Cagayan. Its taste is a mixture of shrimp and crabs and it is best cooked as adobo or mixed with coconut milk! Meanwhile, Hollywood celebrities such as Best Actress winner, Sandra Bullock used a Pinoy bag in the Academy Awards?! And find out why some people fight STD by drinking water mixed with detergent, or use recycled condoms to save money! Read more...

Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) on Facebook
Click the player to hear the KMJS Theme Songs