ni Edison Tangon, Researcher
Kasabay ng pagsabog ng kulay ng mga paputok, ang pagbulusok ng hilig ng mga tao sa kanilang magiging kapalaran ngayong 2010.
At para sa aming segment tungkol sa Year of the Tiger, humingi kami ng ilang payong pampabuenas mula kay Christopher “Master” Co.
Si Christopher “Master” Co (second from left)
Mga Buenas sa Taon ng Tigre
Magiging masuwerte raw ang mga taong ipinanganak sa mga sumusunod na taon:
Rat (1960, 1972, 1984, 1996, 2008), Sheep (1955, 1967, 1979, 1991, 2003), Snake (1953, 1965, 1977, 1989, 2001) at Rabbit (1951, 1963, 1975, 1987, 1999).
Hindi naman daw ngayon ang “panahon” ng mga ipinanganak sa taon ng Tiger (1962, 1974, 1986, 1998, 2010)at Monkey (1956, 1968, 1980, 1992, 2004).
Pero hindi mo man taon ang 2010, huwag mag-alala dahil may pangontra naman daw ang malas!
Suwerte Tips
Upang lumapit ang swerte, banggitin lang daw ang Buddhist/ Taoist prayer na ito nang tatlong beses:
“NAMO KWAN SE IM PHO SAT NAMO AMITABHA.”
Ibig sabihin: I PAY RESPECT TO THE BUDDHA KUAN YIN GODESS OF MERCY. *
* Ang paggamit daw ng chant na ito para sa Amitabha Buddha ang nagpu-purify ng negative karma at nagdadala ng kapayapaan at good luck.
Kapag maliligo, mainam na gumamit ng malamig na tubig para mabanlawan ang malas at kumapit ang swerte.
Uminom din ng tsaa at orange juice para mapalayo ang mga taong may masamang intensyon.
Pero kung suwerte naman sa negosyo ang hanap mo, maglagay lang daw ng pink na litrato gaya nito sa harapan ng inyong tundahan o opisina para makaakit ng swerte!
Kung balak mo pa lang magtayo ng negosyo, tiyak na papatok sa taon ng Tigre ang real estate, call center industry at water refilling station.
Mga Babala
Sa kabila ng mga suwerteng ito, mainam pa ring malaman ang mga babala ni Master Co para sa 2010.
Kailangan daw maging handa sa pagkakaroon ng tagtuyot. Samantalang lindol naman ang yayanig sa lugar ng Visayas at Mindanao. Tataas din daw ang presyo ng mga bilihin tulad ng bigas dahil na rin sa pagtaas pa raw ng presyo ng gasolina.
Nakakatuwang malaman ang haharaping kapalaran sa kinabukasan, pero tulad nga ng sabi ni Master Co, ang tao pa rin ang may desisyon kung paano ka mabubuhay.









January 13th, 2010 at 4:37 am
Ang katutuhanang dapat hintayin ng mga taong walang trabaho sa ngayon ay ang resulta ng election. Kung may magawang kabutihan ang mga politikong binoto at nanalo ibig sabihin masuerte ang mga tao sa taon ng ito pero kung wala di malas na naman tayo. Kaya piliing mabuti ang mga taong iboto niyo.
January 14th, 2010 at 12:04 pm
Hi po i enjoy reading your post. sana we can feature po yun mga prediction po para sa 12 animal sign para sa year of the tiger 2010.
maraming salamat po
January 15th, 2010 at 11:11 am
“It was an honor to have met this young feng shui master. Master Co is a very special person and have many gifts to bring to the lives of others.”
He is also the one who help improve my luck by helping me win a reasonable amount in Lotto.
Thanks to Master Co and the referral of Jessica Soho show
February 5th, 2010 at 4:50 pm
ma;m hello po,nabasa k po ang website u..natotowa ako. sa nabsa ko.ako po ay mahilig maghanap ng pampaswerte.ang gusto po humingi ng tolung s inyo .kong paano makakuha ng pampswerte marami n ako nginamit panlaban sa malas..hanggang ngaun lagi me nagigipit pagmaydumating s amin pera.labas agad hind tumatgal s amin.mayron po kami tindahn.ganun din po. ako po ay nagpapasalamat s inyo na mapayoan ninyo ako.thank u po ma,m
February 14th, 2010 at 8:36 pm
hi poh ng enjoy po akong bumasa a kapalaran ko ngayon pong taon ng tigre