Categorized | Featured

Gusto Mo Ng Adventure?

Posted on 05 January 2010 by KMJS admin

by Lea Paz Torre


Matagal-tagal na rin akong hindi nakasakay sa rides.

College pa yata ako nung huli akong nagliwaliw sa isang theme park. Mabilis din akong malula. Acrophobic kasi ako. Nung unang sakay ko nga sa Space Shuttle, feeling ko iluluwa ko lahat ng kinain ko sa sobrang hilo. Namutla ako pagkababa. Lahat ng dugo ko sa mukha, feeling ko nawala na. Pinagtawanan pa nga ako ng kasama ko.

Simula noon, sinabi ko sa sarili ko, titigilan ko na ang pagpapanggap.

Hanggang carousel lang talaga ako.

Pero dahil sa huli kong istorya, nakaranas ako ng déjà vu.

Pero ‘eto, mas matindi!


First destination—Tree Top Adventure sa Subic!


Pagpasok pa lang sa magubat na location, tanaw na yung mga nakalambitin na rides.

Mayroon munang orientation, para raw ito sa kaligtasan ng mga katulad kong mabilis mag-panic.

Pagkatapos, dumiretso kami sa isa sa pinakabago nilang atraksyon — ang Interactive Free Fall.

Nakasabit sa isang century-old tree ‘yung sinakyan namin. Hindi ka masyadong kakabahan dahil hanggang tatlong tao ang pwedeng sumakay.

Pagkapindot sa makinang nagpapatakbo sa ride, mabilis kaming napunta sa itaas. Mga tuktok ng kung anu-ano na ang nakikita ko. Umaabot kasi ito ng 80 feet!

Isang pindot ulit at para kaming yoyo na paulit-ulit na pinatalbog sa ere. Para rin kaming nag-bungee jumping.

interactive-free-fall-300-pesos-per-ride

Interactive Free fall Php 300 per ride

Silver surfer

Sunod naming pinuntahan ang Silver Surfer.

Kahawig ito ng zip line. Nakakabit kasi sa magkabilaang puno ang tali na may 80 metro ang haba. Ang lalim naman nito,, umabot ng 90 feet. Ang carrier, nakasabit sa tali. May tuntungan at hawakan ito na pakiramdam mo, para kang nagse-surf sa ere. Dalawa naman ang pwedeng sumakay rito.

Swabe lang ang pag-andar. Sa pag-atras-abante ng silver surfer, ramdam ko ‘yung lamig ng hangin. Feeling ko, ako si Darna!

silver-surfer

Silver Surver Php 300 per ride

silver-surfer-300-pesos-per-ride

Ang awtor habang nakasakay sa Silver Surfer


Bukod sa mga bagong atraksyong ito, meron din silang Superman Ride (Php 200) o Zip Line, Canopy Ride (350) at rappelling o Tree Drop (150).

superman-ride2

Ang awtor habang nakasakay sa Superman ride


Water sports sa Samal

Kakaibang trip naman ang sinugod namin sa isla ng Samal sa Davao City kung saan kinailangan pa naming tawirin ang Davao Gulf.

Sakay ng isang barge, narating namin ang mala-paraisong isla.

maxima-aqua-fun-samal-island

Maxima Aqua Fun


Sa isang resort kami dumiretso. Ang higanteng Tarp Waterslide ang ipinagmamalaking atraksyon ngayon dito ng Maxima Aqua Fun. One hundred fifty pesos ang entrance fee ng adults. One hundred naman para sa mga bata.

Kakaiba nga ang atraksyona ito: ang babagsakan kasi ng 50 metrong slide, ang 150-feet na dagat!

giant-waterslide1

Pwede pang magpagulong-gulong at mag-acrobat. At ang maganda rito, sinisiguro ng mga namamahala sa resort na lulubog kang safe. May life vest kasi at may lifeguard din na nakaabang sa dagat.

Sulit naman sa ganda ng view — pati ng babagsakang tubig. Puno kasi ito ng corals at maliliit na isda kaya dinarayo rin ng mga divers.

Puwede ka ring mag-snorkel at mag-kayaking dito.

Para akong na-déjà vu sa mga nasubukan ko. Pero sa puntong ito, nakondisyon ko na ang sarili ko.

Sa loob-loob ko, mga rides lang ‘yon. Mas masarap itong namnamin at hindi dapat katakutan.

2 Comments For This Post

  1. oakL3Y21 Says:

    wow!, angsarap naman ng buhay ng awtor dito..lahat na-try nya…angsarap magtrabaho sa kmjs :)

  2. cecil Says:

    sana pag nagawi kayo ng part ng tarlac at may adventure kayo, sama naman ako..dream ko talagang maging part ng shows. ay naku, ngayon palang excited na ako

Leave a Reply


Ayuyu, Pinoy Bags in Hollywood, and Condoms!


“Ayuyu” or mud lobster thrives on the banks of Pamplona, Cagayan. Its taste is a mixture of shrimp and crabs and it is best cooked as adobo or mixed with coconut milk! Meanwhile, Hollywood celebrities such as Best Actress winner, Sandra Bullock used a Pinoy bag in the Academy Awards?! And find out why some people fight STD by drinking water mixed with detergent, or use recycled condoms to save money! Read more...

Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) on Facebook
Click the player to hear the KMJS Theme Songs