Categorized | Featured

May trabaho ka!

Posted on 18 December 2009 by KMJS admin

“May Trabaho Ka!”
by Arci Formales, Program Researcher


Sa limang buwan kong pagiging researcher sa programang ito, liimang buwan ko na ring nararanasan ang hirap at sarap ng trabaho sa media.
Pero alam niyo ‘yung tinatawag na “Resign-Mode-Syndrome”?
Hindi rin kasi biro ang trabaho sa industriyang ito, kaya madalas din akong dumadaing dahil sa hirap ng mga pinapagawa sakin.
Napaisip lang ako nang makilala ko sina Tuklaw, Ador, at Kuya Junie.
Si Tuklaw
Alas-diyes na ng gabi noong December 7.. nag-ocular ako sa isang barangay sa Sampaloc, Manila.
Ang aking pakay, isang diumano’y kakaibang funeral escort.
Kakaiba – dahil bukod sa nagta-traffic daw siya nang nakayapak, humihiga pa siya sa gitna ng intersection para hindi maantala ang funeral convoy!
“Ah! Si Tuklaw yun! Taga-dito nga yun!”
Maya-maya, nakaharap ko rin si “Tuklaw”. Bakas pa ang antok sa kanyang mga mata, pero kahit naistorbo ko ang kanyang tulog, in fairness, hindi naman niya ako “tinuklaw” ng kasungitan.
“Magkano po yung binabayad sa inyo pagkatapos ng libing?”
“200.”
“Ah… eh hanggang saan naman po ninyo hinahatid yung patay?”
“Dun, sa North (Cemetery)”
Matipid ang kanyang mga sagot.
Marahil ay para maiwasan na rin ang paghuhusga ng iba. Madalas nga raw kasi siyang mapagkamalang “may problema sa pag-iisip” dahil sa kanyang “trabaho” — ikaw ba naman ang humiga sa kalsada sa tuwing may ililibing?
Ang kahanga-hanga pa rito, kahit nakakapagod at masakit sa likod, sa malinis na paraan naman daw niya nakukuha ang kanyang kinikita.
***

Ad-spinners
December 8, sinundo ko sa labas ng GMA ang aking case studies.
Animo’y sasabak sa isang kilos-protesta sila Kuya Junie dahil sa mga bitbit nilang placards. Pero nang simulan nila akong pakitaan ng kanilang tricks… “Wow! Kabog ka dun, kuya!” ang nasabi ko.
Ad-spinning ang kanilang ikinabubuhay. Ibig sabihin, pinaiikot nila sa pamamagitan ng kanilang mga kamay ang mabibigat na advertising boards.
“Gaano niyo po katagal prinaktis ‘yan (Ad-spinning)?” Tanong ko kay Kuya Junie, limang taon nang ad-spinner.
“Ah yung helicopter? Mahigit 3 months din.”
“Wow, antagal din po pala no… eh tinamaan na din po ba kayo ng mga boards na yan pag sumasablay kayo sa mga tricks?”
“Ay, oo naman,” sabay ipinakita sa akin ang peklat sa kanyang kanang braso.
Sinubukan ko ring gawin ang mga ipinakita nila sakin, pero nabigo ako.
“Ang hirap naman nito! Magta-type na lang ako ng shoot-sched!”
***
Si Ador

Biyernes, isang araw bago kami umere, pinuntahan ko si Ador sa kanyang dressing room sa Eat Bulaga.
Natutuwa ako at na-meet ko ang komedyanteng si Ador, a.k.a. Michelle O’Bombshell!
Sampung taon nang stand-up comedian si Ador, pero sa Eat Bulaga, isa siyang baguhang “Jester” o ‘yung tagpag-patawa sa audience kapag hindi naka-roll ang camera.
“Uy, hanggang 4PM lang ako ha. May show pa kasi ako sa Malate mamaya.”
“Okay, sige po, bibilisan lang po natin ang shoot.”
Ramdam ko ang pagod ni Ador dahil sa kanyang hectic schedule. Doble-kayod siya para kumita ng pera. Jester sa tanghali, komedyante sa gabi.
Bumiyahe kami papuntang Malate para ihatid siya sa comedy bar kung saan siya magpe-perform. Halatang “haggard” na si Ador, pero aligaga rin siya dahil sa male-late na siya sa kanilang call time.
“Magkano po ba yung talent fee niyo sa Eat Bulaga per day?”
“Hmm… 2,000.00 pesos.”
Hindi ko maiwasang ma-impress: “Wow! Malaki din po pala no. Tapos may raket pa po kayo sa comedy bar. E di anlaki pala ng kinikita niyo sa isang araw?”
Napaisip siya: “Oo. Yung kinikita ko sa E.B., sakto lang siya sa pambayad ng mga bills sa bahay. Yung kinikita ko naman sa comedy bar, iniipon ko. Dun ko na rin binabawas yung mga other expenses ko like gimmicks.”
Parang nainggit sa sinabi niya. Pero kung gusto kong kumita nang malaki, kailangan kong magdoble-kayod.
***
Isang araw ko lang nakasama ang case studies ko, pero ang dami ko nang nadiskubre dahil sa kanila.
Hindi ka mabubuhay kung pihikan ka sa trabaho, at lalong hindi ka uunlad kung matutulog ka lang sa pansitan.
Sa huli, natutunan kong mahalin ang trabaho ko. Lahat ay dumadaan sa hirap. Walang perang madalian. Lahat, kailangan mong paghirapan.

1 Comments For This Post

  1. iris Says:

    Dear Miss Jessica,
    I’m a mother of two ( high school teens). With the advancement of technologies and the global situation, i’m quite concern about my children’s future. As i estimate by year 2015 to 2020- my children will then be part of the working people. Right now iam wondering if what course should they take in order to meet the demands of 2020. I’ve seen in some internet news- top 20 in-demand jobs such as nursing informatics, environmental engineers, etc.These jobs are new to me - there were no courses offered during our time. May i request you to feature some unique jobs or profession that are relevant in our present or future condition? Summer time is coming and soon enrollment too… so i think it is a nice time to feature this topic during your show. WE ENJOY AND LEARN A LOT FROM YOUR SHOW- EVEN MY TEENS WON’T MISS AN EPISODE.

    Thanks and God bless you with such a wonderful skill.

    from,
    Ate I

Leave a Reply


Ayuyu, Pinoy Bags in Hollywood, and Condoms!


“Ayuyu” or mud lobster thrives on the banks of Pamplona, Cagayan. Its taste is a mixture of shrimp and crabs and it is best cooked as adobo or mixed with coconut milk! Meanwhile, Hollywood celebrities such as Best Actress winner, Sandra Bullock used a Pinoy bag in the Academy Awards?! And find out why some people fight STD by drinking water mixed with detergent, or use recycled condoms to save money! Read more...

Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) on Facebook
Click the player to hear the KMJS Theme Songs