Categorized | Episodes

Transdermal Implant, Odd Jobs, and Christmas Adventures

Posted on 10 December 2009 by KMJS admin

Airing date: December 12, 2009

Airing time: 9 p.m.

TRANSDERMAL IMPLANT, LIP TATTOO ETC.

transdermal2

Ang trip nilang burloloy, hindi lang ‘yung basta nakasabit, dapat daw nakaukit mismo sa kanilang katawan. Kagaya na lang nang nauuso ngayong transdermal implant. Si Tico, para raw may kakaiba siyang dating, nagpalagay siya ng hikaw sa pingi. At kapag gumaling na ang sugat na nilikha nito, puwede na raw itong palitan ng iba’t ibang pangsabit gaya ng Swarovski crystal at diamond. Si Ariel naman, para raw maipakita ang pagmamahal niya sa kanyang ina, ipina-tattoo niya ang pangalan nito sa kanyang labi. Lahat daw ng sakit kanilang titiisin, kahit pa duguin sila sa pinapangarap nilang burloloy sa katawan.

HANEP-BUHAY!

ads

Hindi sila pihikan sa trabaho dahil ang katuwiran nila, basta’t kumikita sila sa malinis na paraan, papatusin nila! May humihiga sa gitna ng trapiko para lang makadaan ang sineserbisyuhan nilang karo ng patay. Meron din naming nagmamani-obra ng mga surfboard sa kanilang mga kamay, kung saan naka-imprenta ang kinakampanya nilang produkto sa mga lansangan. At sa nalalapit na Pasko, patok na patok daw ang mga nag-iisip ng message sa mga Christmas card.

CHRISTMAS ADVENTURES

santa1

Hindi raw sagabal ang maginaw na panahon ngayong Disyembre para sa mga mahihilig sa adventure. Sa Subic, pwedeng galugarin ang kagubatan habang sakay ng silver surfer na nakasabit sa zip line. Para sa mga mahihilig naman daw sa water adventure, subukan ang giant waterslide sa Davao. Pero sa mga nangangarap ng White Christmas, pwede na ngayong magpadausdos sa yelo ala-Santa Claus, sa pamamagitan ng ice sledding sa isang mall sa Pasay.

3 Comments For This Post

  1. Caesar Paolo Dagaas Says:

    Mam,
    GOOD day po, gusto ko pong malaman kung saan ko po makontak ang tourette syndrome association?

    thank you very much.

    CAESAR PAOLO DAGAAS
    blk. 31, Lot 47, Wellspring village 1, catalunan pequeño davao city
    (09194700509)

  2. leo Says:

    @Caesar: Try this: EMAIL OF THE FOUNDERS: barnuevo@yahoo.com, marowenaab@yahoo.com; E-MAIL THE PHILIPPINE TOURETTE SYNDROME ASSOCIATION: ticawaywithme@gmail.com

  3. Wintersteen Darko Says:

    Good morning po,hini ko po masisi ang ilan sa mga taong gusto talagang maging parte ng kanilang katawan ang burloloy kng tawagin nga ano po,hindi ho ba ito asiwa sa mga taong nagpalagay nito?

    Gusto ko lang din po na itanong ano po yung segment ninyo na para po siyang transdermal patch pero po nakagagaling ng karamdaman ng isang tao. Sana po eh masagot po ninyo ang akng tanong…..salamat

Leave a Reply


Ayuyu, Pinoy Bags in Hollywood, and Condoms!


“Ayuyu” or mud lobster thrives on the banks of Pamplona, Cagayan. Its taste is a mixture of shrimp and crabs and it is best cooked as adobo or mixed with coconut milk! Meanwhile, Hollywood celebrities such as Best Actress winner, Sandra Bullock used a Pinoy bag in the Academy Awards?! And find out why some people fight STD by drinking water mixed with detergent, or use recycled condoms to save money! Read more...

Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) on Facebook
Click the player to hear the KMJS Theme Songs