Categorized | Featured

Hmmpanghi!

Posted on 25 October 2009 by KMJS admin

ni A! Perez, Segment Producer

Nasubukan mo na bang uminom ng germs?

Ako? Oo.

Grade school kasi ako noon, impressionable —- ibig sabihin, madaling mauto.

Napanood ko sa isang sikat na female-oriented show ang interview sa isang urine therapy expert — ang sabi niya, maganda raw sa katawan ang pag-inom ng ihi. Idinemo pa nga niya ‘yung aktwal na pag-inom niya.

Nakapandidiri sa umpisa, pero nang magsimula nang magpatotoo ‘yung ibang mga kakilala niya na gumaling at gumanda dahil sa kanyang “formula,” unti-unti na akong nakumbinsi.

Pagkatapos nun, nagparamdam ang aking pantog — kumuha ako ng baso, nagpunta sa CR, at sinahod ang aking ihi.

ihi-foto

Sa baso, andun ang maligamgam at naninilaw na likido — parang malabnaw lang na tsaa.

May konti pang pag-aalinlangan, pero dahil sa napanood ko, lumakas ang aking loob… isang higop, ayun. Medyo mapakla. Medyo matabang.

Iyon na ang una at huling pagkakataon na natikman ko ang sarili kong ihi. Nabaon na nga sa limot ‘yung experience kong ‘yun, nahukay lang ulit dahil sa segment ko.

Hindi na bago ‘yung mga naniniwala sa bisa ng urine therapy. Ang sikat na boksingero na si Juan Manuel Marquez, iniinom ang kanyang ihi para hindi raw masayang ang mga bitaminang nandito. Pampalakas daw ng resistensya, pero parang hindi tumalab dahil natalo siya sa kanyang huling laban. May mga ulat din na iniihian ng singer na si Madonna ang kanyang paa, gamot daw ito sa alipunga.

Dito naman sa Pilipinas, may mga nakapanayam pa kami na gumaling daw ang diabetes dahil sa pag-inom ng kanyang unang ihi sa umaga. Ayon sa kanya,  ang unang ihi sa umaga raw ang naglalaman ng mga sustansyang makabubuti sa ating katawan.

Sa mga bansa tulad ng India at China, may mga naniniwala na ang urine therapy ay puwedeng makagamot ng mga sakit tulad ng asthma, allergy, obesity, arthritis, psoriasis, paralysis at diabetes.

Pero ayon sa mga eksperto, kahit pa naglalaman ito ng bitamina gaya ng Vitamin C, ‘yung 5% na dumi rito ay puwedeng maglaman ng bacteria at kung anu-anong germs na inilabas na ng ating sistema. Hindi pa kasama diyan ang STD o Sexually Transmitted Disease na puwedeng mapunta sa ating bibig.

Sabi nga ni Dr. Minerva Calimag ng Philippine Medical Association: “Your urine can be acidic or basic… kung iinom ka ng acidic na urine, magkakagulo yung systems mo… magi-interfere siya with the absorption of other materials na maaaring mas kailangan ng katawan natin… meron tayong tinatawag na urinary tract infections, pwedeng may bacteria yung ating urine tapos iinumin mo siya… kung ano man yung infection e di napasok mo ulit sa loob ng katawan mo yun imbes na ilabas mo.”

Paumanhin na lang po sa mga naniniwala sa urine therapy, pero sa ngayon, kung papipipiliin ako: fruit juice o ihi?

Mas gugustuhin ko pa rin ‘yung may lasa at hindi mapakla.

2 Comments For This Post

  1. Louie Jon Sanchez Says:

    A beautiful slice of life. :) Mapakla pero totoo.

  2. isang tao Says:

    Hindi ako naniniwala diyan. iw. Mas mabuting maging vegan ka na lang. IMHO.

Leave a Reply


Frozen Squids, Cave Pearls, and Sweet Alternatives


Find out how frozen squids soaked in formalin are sold in markets. And in a cave in Zamboanga del Norte, a rare gem can be found --- cave pearls! Each piece grows for a million years, and harvesting one can cost divers their lives. Also, do you know that there are new, healthier sugar alternatives in the market! Read more...

Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) on Facebook
Click the player to hear the KMJS Theme Songs