Airing date: October 17, 2009
Airing time: 8:30 p.m.
Bakas ng Delubyo
Malaking pinsala ang iniwan ng bagyong Pepeng sa probinsya ng La Union — mga gumuho at nasirang istraktura tulad ng tulay na ito.
Personal na nasaksihan ni Jessica Soho ang pinsalang dinulot ng bagyong Pepeng sa kanyang home province sa La Union. Dito niya nakita ang mga nawasak na malalaking tulay, mga gumuhong bahagi ng bundok at mga nasirang pananim. Binisita rin niya ang San Roque Dam na itinuturong dahilan nang malawakang pagbaha na halos lumunod sa buong Pangasinan. Talaga nga bang kapag kalikasan na ang naghiganti wala na tayong kalaban-laban? O may magagawa bang paghahanda ang ating pamahalaan para mabawasan ang pinsalang naidudulot ng ganitong mga kalamidad?
Mga Taong Kahoy
Unti-unting kinakain ng sakit na Scleroderma ang balat ng mga biktima nito, pero sa ngayon, patuloy na hinahanap ang lunas para rito.
Ang scleroderma ay isang pambihirang sakit kung saan ang balat at ilang bahagi ng katawan ay nangingitim at nangangapal dahilan para magmistula itong kahoy. Nagsimula ang kalbaryong ito ni Imelda nang unti-unti raw humigpit at tumigas ang kanyang balat. Si Randy naman, kulugo ang naging mitsa ng kanyang paghihirap. Sa kaso naman ng isang bata sa Quezon City, nagsimula ito na parang nakaumbok lang na balat, pero patuloy na lumalaki. May lunas pa nga ba ang sakit na ito?
Tupa
Biyaya ng langit ang turing ng ilang mga magsasaka sa tupa — ang itinuturing na banal na hayop sa Bibliya.
Sa Bibliya, itinuturing na banal na hayop ang tupa. Simbolo rin ito ng pagsasakripisyo. Pero ngayon, malaking biyaya at kabuhayan ang dala nito sa ilan nating kababayan. Ang karne kasi ng tupa, bukod sa masarap, masustansya pa! Ang kanila namang balat ginagawang damit. Samantalang ang dugo ng tupa, ginagamit na rin sa mga pagtuklas at paggamot ng karamdaman ng tao.








October 18th, 2009 at 9:19 am
galing! ang ganda ng mga mensahe na naririnig ko sa mga sinasabi ni jesica soho. magaling ang writer nito, a very inspiring words that need to be heard by those depressed hearts of the Filipino people during these numerous calamities that we experienced. Great and more power!
October 18th, 2009 at 7:43 pm
Dear MJessica
Hi… isa po ako sa libo-libo mong taga subabay sa iyong programa nakita ko po yong episode ninyo noong nakaraang sabado yong treeman yong may kologo sa katawan at mga kamay kasi parang bigla po akong naawa sa kanya minsan po nagkaroon din po ng ganong kologo sa kamay sa hinliliit po niya halos hindi napo makita yong koko niya ginamot ko po ay yong sili yon pong maanghang na sili na maliliit dinikdik ko po yon tapos nilagay ko ko po sa parting may kologo after one week po nawala na bakit dipo ipa try sa Tree man tnx po at sana makatulong yon more power po sa inyong show
October 19th, 2009 at 9:21 am
May I please have the contact number & person for Uling from Water Hyacinth. I am interested in that business.. I hope your program can link or refer me to them. More power to your show. I’ll be waiting for your reply. Thank you very much! Have a nice day!
October 19th, 2009 at 10:37 am
would like to know about the green charcoal..thanks…hope that you would include in your program at least one topic every episode about how to help our slowly dying climate….more episodes to your program..God bless
October 20th, 2009 at 2:41 pm
my dad is interested about the water lily uling…hope you can give us the contact person and number … thank you.
October 23rd, 2009 at 11:34 am
napanuod ko po ung tulay sa may la-union, taga roon po ako at sana sa msg kung eto matulunga nyo kami sa problema namin bout sa dike sa aming lugar, bata pa po ako nun may dike sa sa ilog ng bued river at ngaunn 37 yrs na ako, sa loob po ng ilang taon hindi napapansin ng mga opisyal sa aming probinsya ang problema ng mga taga brgy udiao na unti unti na pong nawawala ung ilang hectares ng bukid dto sa aming lugar, bakit po hindi nyo puntahan ang brgy na iyan at magtanong tanong kau sa mga tao dun para malaman nyo ang problema, sa ngaun po kasi dto nako nakatira sa cavite at every school vacation nagbabakasyon kami sa udiao, napansin ko po na unti2 ng lumalawak ang bued river habang ang mga bukid ng brgy udiao naman ang pakonti ng pakonti. pakitutukan po sana ang hiling kung eto. salamat po.
October 23rd, 2009 at 11:04 pm
where can I get info how to buy tupa or sheep in northern mindanao area?
November 18th, 2009 at 8:44 pm
May i know where i can purchase the sheep? Please give the farm name and address and contact person. Meron po bang telephone no. Salamat po.
November 19th, 2009 at 9:46 am
hi…napanood ko po minsan ung green charcoal ni mr. catan n naifeature nyo at gusto ko pong malaman kung paano po ito ginagawa kc po kailangan ko sa thesis ko..pls help me po tnx….agbiag ti ilocano…….
November 24th, 2009 at 8:44 pm
pwede po ba makahingi nang information about green charcoal production?kung saan nila ginagawa ito?thanks po
November 30th, 2009 at 8:50 pm
please give me the address and contact person of the farm where we can buy sheep.
January 31st, 2010 at 2:43 pm
nging intrested ako since i was first watch your episode, where can i get information to buy sheeps near in bataan and their numbers????pls..
thank you from your viewer…godbless!!!