Ang Bangs ni Bebe

Posted on 15 March 2009 by KMJS admin

By: Mon del Rosario Torres III

“Rustom is dead. Let him rest in peace!” Ito ang nakagugulantang na deklarasyon ng isang Bebe Gandanghari.

'Rustom is dead! Let him rest in peace.'

'Rustom is dead! Let him rest in peace!'

Noong una kong marinig ang mga pahayag na ‘yon, natigilan ako.

Personal kong kakilala at minsang nakatrabaho si Rustom. Masasabi ko rin na kaibigan ko siya, bagamat may katagalan na nang huli kaming magkita at magkausap. Kaya gano’n na lang ang aking pagkagulat sa naging pahayag ng ‘Binibini.’

Pero syempre, naiintindihan ko naman ang mga matalinhagang pahayag ni Bebe, ang guwapo at matipunong Rustom Padilla ng aking kahapon.

Napaisip tuloy ako.

Kung hindi siya si Rustom at kung patay na nga ang dating premier leading man ng pelikula at telebisyong Pilipino, makilala pa kaya niya ako?

Saklob ng pagdadalawang-isip at kaba, pinadalhan ko siya ng isang maikling mensahe sa pamamagitan ng text…

“I’m so happy for you, Bebe. I like your new look!- Mon.”

Makalipas ang ilang sandali, nag-text back si Bebe…

“I’m glad you liked it, Mon.”

Ayyy, kilala pa niya ako!

Lihim akong napangiti.

Hindi pa tuluyang namatay si Rustom.

Hanggang dumating ang pagkakataong muli ko siyang makakaharap. Nakatakda siyang kapanayamin ni Jessica. Pero sa huli, tila nabahag ang aking buntot na makaharap ang ‘binibining’ bukambibig ng marami ngayon. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ko kung makaharap ko na siya. Ano’ng unang salitang masasabi ko? Kakamayan ko ba siya o ibe-beso-beso?

Pinalampas ko ang pagkakataon.

Sabado ng umaga, March 7… putok na putok na ang balita ng pagkamatay ni Francis M pero heto ako, tutok na tutok sa panonood at pakikinig ng interview ni Jessica sa isa na ring ‘namatay’ daw pero buhay na buhay pa rin sa katauhan ni Bebe.

“You go through the process of self discovery and then all of a sudden, I was feeling Rustom is really dying. When I was in New York, I started going out, meeting people as Bebe so it came to a point na everyone is calling me as Bebe. That’s when I realized, oh, I’m Bebe already.”

Pero ewan ko ba, saang anggulo ko man tingnan si Bebe… suportado ko man ang kaniyang pagbabagong anyo… si Rustom pa rin ang nakikita ko.

Naalala ko tuloy nu’ng katrabaho ko pa siya sa isang game show. May konting pambubuska at panunukso para ‘hulihin’ siya. Gusto ko at naming lahat (other staff) na tulungan siyang ‘kumawala.’ Pero hindi kami nagtagumpay.

Robin Padilla, Mon and Rustom

Robin Padilla, Mon and Rustom

At ngayon namang pinaglaladlaran na niya ang tunay na siya… sa anyong babae… sa kilos ng isang binibini… parang mas gusto kong ang dating Rutom pa rin ang makita.

Inggit ba ang nararamdaman ko?

Ahhh, hindi!

Umiiral lang siguro ang pagiging konserbatibo ng ‘lola in me.’ Hindi ko lang talaga trip ang cross-dressing!

“Until nag-out ako nu’ng 2006. Remember… as a gay man? But then after that ‘di pa rin natapos ‘yung confusion, I was still very confused.”

Sa pagpapatuloy ng interview kay Bebe, ang dami kong napansing pagbabago kumpara sa dating Rustom na kilala ko. Ang pilantik ng kaniyang mga daliri… ang pagpungay ng mga mata habang sumasagot… ang pagbibitaw ng matatapang na salita.

Dati, madalas na kuyom ang kaniyang mga kamao… nakapapaso ang kaniyang tingin… malumanay at may sukat ang bawat salita. Pero tila may isang hindi nagbago… noon pa man hanggang ngayon!

Ang usapin ng… BANGS!

Madalas naming pagtalunan ni Rustom noon ang sobrang pagka-conscious niya sa kaniyang bangs. Bumibilang ng oras ang pag-aayos niya nito. Maging sa set mismo, ilang sandali bago mag-roll tape, tiyak hahagurin at hahawiin muna niya ang kaniyang bangs.

Gaya rin ni Bebe, hawi rito… hawi roon… conscious na conscious pa rin siya sa kaniyang bangs!

Pero hindi naman ito usapin lang ng buhok.

Sa bawat paghawi ni Bebe ng kaniyang bangs, gaya rin ni Rustom noon, paniwala ko binibigyan lang niya tayo ng pagkakatong masulyapan ang tunay na mukha ng kaniyang pagkatao.

Sa bawat paghawi niya ng kaniyang bangs… tila ba nakakakawala siya sa bilangguan ng pagkukunwari na matagal niyang kinasadlakan.

Long hair na ang lola niyo

The real Bebe Gandanghari

Na sa paghawi niya ng kaniyang bangs… mismo! Long hair na nga ang lola niyo!

23 Comments For This Post

  1. leo udtohan Says:

    ika nga “show your true colors!!!!”

  2. axel delos santos Says:

    mahirap talagang umamin lao na ung mga napipilitan lang na maging lalake pare lang di mapagaliatn ako ay hanga sau bebe kaya mong ipakita sa lahat kong ano ka!!!!!!!!

  3. mama lu Says:

    kaya yung ibang hearthrob jan, umamin na rin kayo! Mahirap magpanggap na “crush ng bayan.”

  4. cathy Says:

    i wanted to say something about the episode with rustom padilla. he was once an idol of mine but when he came out as a “she” i honestly hated him. But when i saw her episode about her life now.. and she even said that line “i wanna go home”, i almost cried. i saw the pain in her and i pity her so much. Well i guess she deserves to live the way she wants it. Well this message is for you.. “Home is where you are happy, you dont have to mind what others will say because they may judge you of what you have become but only you can make your life as happy as you want it to be. I am so proud of you. I wish you’ll be happy forever. Problems may come but I know you will go through it. I hope you will be home soon. I will always be praying for your happiness. Just dont forget to pray, ask for His guidance and He will guide you through all the way ” You will always be my idol.. take care..

  5. dohr Says:

    ganyan tlaga ang buhay “bakla”., if nanjan na hindi mo kyang pigilan… mas mgandang ilabas ang “true colors” kesa nmn sa magpanggap ka…. kung saan ka masaya then be it.! good job for revealing the real you….

  6. darwin Says:

    muzta na poh bb gandang hari
    parehas poh tayo girlalu
    inaalipusta po ako ng mga tao
    parehas kayo ni bb gandang hari na bakla
    ang sinasabi ko sa kanila ay baka ingit lang kayo sa amin dahil maganda kami ni bb gandang hari
    hindi naman ako nagpapatalo sa sinaabi nila
    pinagmamalaki ko nga po na girlalu ako
    paalam na poh bb gandang hari

  7. eksenadora Says:

    i like him better nung sya pa si rustom… pero kung pinaniniwalaan nyang masaya na sya ngayon sa kung sino na sya, masaya na rin ako para sa kanya..

  8. sheilla barundia Says:

    hoooo…………grabe ang ganda ng show nio ur the best from cabuyao laguna

  9. cristine paula Says:

    wow!! nagbago ka na talaga

    pero inferness ganda mo!!

    mas maganda ka pa sa tunay na girl

    heheheheheheheheh

    from caloocan city!!

    see yah

  10. oren Says:

    shes so nice. i like him because of his hionesty

  11. dragoner Says:

    Leave it to her/him…kung san sya masaya, hayaan na lng ntin as long as wala syang tinatapakan na tao….Be happy.

  12. mea Says:

    wow ang galing naman pero paano
    siya mag kakaanak ? ? ? ?

  13. chai of bacoor Says:

    ,’,” hanga me sAu… hirap aminin ng ganyang katotohanan LaLo na sa kinalakihan at sa paligid na ginagalawan mo!! puro pa barako mga bro mo!!! Go 4 iT!! Time will help to heal the wound betwen your bRo!!!

  14. kapuso Says:

    mas gusto ko yung dating rustom sayang patay na pala siya…. avid fan nga ako ng love team nila ni carmina at lahat ng movie ni rustom pinapanood ko kc ang pogi!!!!

    kaso nung nag out na sayang naman, pero feeling ko hindi pa rin nia nahanap ung pagkatao niya e makikita sa mga mata niya kahit na sabihin pang tuluyan na siyang naging ganyan.

    ok lang naman kaso mga damit nia parang pang matrona at prang bang baduy na bading……pro nirerespeto k p rin naman kung anu siya ngayon!!!!

  15. helen nacua Says:

    We can surely say and be anything we want.
    However, with such “freedom” comes great responsibility.
    That is…”to be what God wants us to be and/or to be where He wants us to be.
    May we find ourselves at the center of His will and plan for our lives.That’s the real “Home”. It’s where one will experience real joy and peace.
    Let us not react, just reflect and respond to this guiding principle.
    “What does it profit a man if he gains the whole world but losses his soul?

  16. cris tactaquin Says:

    Dear Jessica,
    I want to let u know that your KMJS is always on my DVR recorded every week. Lagi ko inaabangan ang mga interesting subjects u feature in this show. Although I am away from home, it feels so connected while Im here in Marthas Vineyard,Massachusetts, USA.
    I hope one day you are going to feature those famous elderly gays on how they are doing and where they are right now. Those who made to success or to those who failed. The wisdom they learn from their life as gays/lesbian in the Philippines. I got this idea to give life’s lesson to the younger gays/lesbians from those people who went ahead of us.
    It is also interesting to see in your show, the Filipinos who were not Christian,Catholic or Muslim. Like those who belong to Buddhism,Atheism, Sun/Nature worshippers. I am curious of how life to be on their shoe.
    I hope your show will be a great channel to kill Filipino ignorance of realities of life especially on current events and politics. Most of TV shows we watched was all “kababawan(like showbiz news),haka-haka(like Balitang K) and the rest of ur rival network’s show platform of putting celebrities on the top of kababawan. No lesson learned, it doesn’t kill kamangmangan of the common Pinoy.
    Please keep up the good work and keep the Filipino educated and well inform.
    Congratulations!
    -Cris Tactaquin

  17. Ray luluquisin Says:

    Ika nga wat is life for? O d sulitin mu na hbang buhay at humihinga kapa. Enjoy our lives. HmMm

  18. ced Says:

    bilib ako sa mga desisyon na ginagawa mo!
    keep up d good work and god bless!

    i will accept ur reply thru texting me!

  19. julie Says:

    nagulat talaga ko nung malaman ko na gay pala xa!kasi tulad mo idol ko din xa,lalo na sa pelikulang yamashita…
    pero hanga pa rin ako sa kanya,kasi hindi nya binago anyo na i mean di xa nag palagay ng boobs,napanood ko minsan sa interview nya sa 24 oras,nirrespeto nya daw sarili nya,at mahal nya pa din si God!
    though kung titingnan talaga mali ang maging gay!message ko sa mga kabataan ngayon!kung kaya nyong baguhin o kaya nyong iwasan ang maging gay,sana gawin nyo na ngayon!!wala naman po kasi ginawa na 3rd sex si God!i guessed it’s for your own good!more power kapuso!

  20. Happy Says:

    No matter what you do or say, God created you a MAN. So, what you are now is not the real you. And though you may laugh or sound jolly, you are not really happy simply because HINDI IKAW IYAN. Please go back to your old self, RUSTOM. Let go of your past and whatever it was which influenced you into deciding to be what you are now. Nanghihinayang ako sa iyo. Come to terms with yourself. I believe you are in deep confusion. Maybe sikat ka ngayon and many accept your present “identity” but all these will come to pass. In the end, it is your God-created identity which really matters–and which will make you truly happy and fulfilled. When you are alone, how and what do you really feel? Are you really happy? What does God try to tell you in your moments of solitude? Can you hear Him? Or, are you listening to Him? I love the old Rustom I see on movies and tv shows. I don’t love Bebe but I don’t also hate “her” because I know, deep inside, the real Rustom is there–buried, but not dead. Na-weaken lang maybe because of events in his past but I look forward to his re-emerging as a stronger, more confident, whole person–a real man as what God has created him to be.

  21. joyce alba Says:

    ang sulat ko para sa yo
    nung rustom padilla pa po kau ay favorite kau ni mama at papa dahil nga po sa pagiging gentleman nyo
    alam ko po na hindi po kau palalaban kay kuya robin padilla
    alam ko po na marami pong nag papa outhgraph sa inyo katulad na rin po nina mama at papa
    alam nyo rin po na maraming humahanga sa inyo
    bata lang po aq 10 yrs. old lang po ako may isang kapatid po ako
    syempre po noon pa po kayo sumisikat at di ko pa po alam na humahanga rin po pala sa inyo sina mama at papa
    ilang taon pa po ang nakalipas

    bigla na lang po nasabi sa balita
    (rustom padilla ayaw na daw syang tawaging rustom at angt gusto na niyang tawagin sya ng bibi gandang hari)
    syempre po nabig la ang mga magulng ko at naiyak na nalamang si rustom padilla ay bumigay na
    nag tanong po ako papa sinu ba si rustom padilla?
    ang sagot po ni papa .anak sya yung pabirito kong actor
    kaya po nalaman ko na kung anu yung kuwento ni bibi gandang hari
    sana po ay walang magalit
    ang bang ni bebe
    joyce

  22. yourmajesty Says:

    well hanga ko sayo bebe gandanghari… astig mo mare akalain mong sa ganda mong yan… mas mganda ka pa saken?? haha jokes pero seriously… i salute you! pde ba kita gayahin?? whoah jokes ulet haha purely girl ako eh hahaha
    keep it up bebe! am bongga moh! mas bongga kpa sa ramp model samen.. haha :) God bless…

  23. toan Says:

    ibalik mo ang tunay na rustom…ung astig at kinlolokohan ng mga babae….

Leave a Reply


Kris Aquino as Queen of Controversies?, Levitation, and FHM at 10


Aside from being an eloquent and good conversationalist, Kris Aquino is also known as being brutally frank --- a facet of her personality which involved her into a number of controversies. This Saturday, join multi-awarded broadcast journalist Jessica Soho as she finds out the real deal in the most recent issues against Kris and her family. Find out if people can really levitate, or float on air through intense focus and concentration. And join us as we celebrate one decade of FHM! Read more...

Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) on Facebook
Click the player to hear the KMJS Theme Songs