Thursday, March 15. 2007Kodak, Jockey, Walker, atbp.
Minsan, naisipan kong tanungin ang kaibigan kong photographer ng rush ID na si Mang Domeng kung anu-ano ba ang tawag o ginagamit na salita ng mga nagpapakuha ng letrato. Siyempre andyan ang magpapa-kodak, magpapakuha, magpapaletrato (sa amin sa Bikol ay retrato, na mas hawig yata sa tawag nito sa Espanyol). Meron ding magpapa-shot at magpapaklik. Pero ito ang paborito ko -- minsan daw ay may isang barkada ng mga dalaga na pumasok sa kanilang studio, at ang sabi ng isa, ”Manong, pwedeng magpa-pindot?”
Ano na nga kaya ang mas ginagamit ngayong panahon ng digital camera sa cellphone? Marami na siguro ang pagbabago sa ngayon. Baka ang salitang kodakan o magpakodak ay mabago na rin. Nagbago na ang photography. Ang bilis nang naglalaho ng film at mga dating kamera. Parang hindi ko na gaanong naririnig ang salitang kodak kapag nagkokodakan. Ang salitang kodak mismo ay inimbento lang ni George Eastman noong ipauso niya ang photography para sa masa. Paborito daw ni Eastman ang letrang K dahil iba raw ang dating nito (at dahil na rin siguro sa ang apelyido ng nanay niya ay nagsisimula sa letrang K.) Bukod sa pag-imbento ng paraan para makakuha ng letrato ang karaniwang tao, pinag-isipan din ni Eastman kung ano ang magandang pangalan ng kanyang produktong box camera at film. Sabi ni Eastnman: : "I devised the name myself. The letter "K" had been a favorite with me -- it seems a strong, incisive sort of letter. It became a question of trying out a great number of combinations of letters that made words starting and ending with 'K.' The word 'Kodak' is the result." Sinabi rin niya na may 3 prinsipyo sa paglikha ng pangalan ng brand: Dapat maiksi, madaling bigkasin, at hindi magmumukha o mapagkakamalang kung anupaman maliban sa Kodak mismo. Dahil siguro maganda ang produkto, maiksi at madaaing bigkasin ang pangalan, ito na ang tuluyang naging ugat na salita o root word pagdating sa photography dito sa ating bayan . Katulad din ng kolgeyt. Ano nga ba sa Tagalog ang toothpaste? Mas prominente ang tatak na Colgate sa kahon nito at mas madaling bigkasin kaysa toothpaste. Ano nga ba sa Ilokano ang photocopy? Eh di seroks din. O minsan ay serok lang. Kahit pa magalit ang mga titser sa balarila, hindi niya mapipigilan ang mga tao na gamitin ang mga salitang mas madaling gamitin at naiintindihan naman ng karamihan. Hindi lang naman ito sa atin nangyayari. Kung tutuusin, mas malala pa ito sa Ingles na 80 porsyento o higit pa sa mga salita ng wikang ito sa ngayon ay hiniram (at hindi na sinoli) mula sa iba’tibang wika sa buong mundo. Kasama na dyan ang ilang salita mula sa Pilipinas, katulad ng manila envelope, boondocks. Madalas ay nababago ang ispeling, ang bigkas, at pati ang ibig sabihin. Marami ring pagkakataon na ang isang brand o tatak ng produkto ay siya na ring nagiging generic na tawag sa bagay, katulad ng zipper. Noong walang pang produktong zipper, wala namang salitang zipper. Merong lang salitang zip. Noong 1891, naimbento ang isang produktong tinawag na Clasp Locker. Ito na siguro ang masasabing pinagmulan ng zipper. Pero maraming pabago-bagong disenyo, palipat-lipat na pabrika at pagkalugi ng mga gumagawa nito bago nabuo ni Gideon Sundback, isang immigrant mula Sweden, ang modernong zipper. Nagsimulang magtrabaho si Sundback sa Automatic Hook and Eye Company sa Hoboken noong pang 1906. Pagdating ng 1913, nakagawa na siya ng tinawag nilang ’Hookless Fastener No. 1’. Pero ang daling masira nito kaya hindi naging commercial success. Nang sumunod na taon, 1914, nabuo niya ang ‘Hookless Fastener No. 2’ na wala nang pinagkaiba sa modernong zipper. Pero hindi agad ito tinawag na zipper hanggang sa gamitin itong tatak ng isang klase ng rubber overshoes ng B.F. Goodrich Company noong 1923 dahil ang kanilang produkto na ito ay gumagamit ng ’Hookless Fastener No.2’. Pero, sino ba namang karaniwang tao ang matutuwang tatawagin ang zipper na hookless fastener number 2? Sa mga sumunod na taon, lumawak na ang gamit ng produkto at zipper na ang naging tawag dito. Noong bata pa ako, sa Bikol, ang tawag namin sa kotse ay berlina. Ang bola ng tennis ay ispalding. At, ito ang ginagamit namin sa larong beysbol, na walang gloves, at ang bat ay isang makinis na piraso ng panggatong na kahoy. Ang tawag naman namin sa rubber shoes ay tenis. Halatang galing sa tennis shoes. Nang makarating na ako sa Maynila, siyempre kailangan ko nang matuto ng Tagalog at kailangan ko na ring palitan ang tawag sa brief. Ang tawag kasi namin sa brief ay woker (Walker), pero, sa Tagalog pala, ang brief ay dyaki! (Jockey)! Teka, may nakalimutan ako. Sabi sa isang wikipedia article, noon daw 1920s at 30s, nagagalit ang mga pari sa produktong zipper dahil sobra daw nitong pinadadali ang paghubad ng damit, tuloy mabilis na nagagawa ang bawal na pag-ibig! Thursday, March 1. 2007Beefsteak at Bistek
Beefsteak at Bistek
Wow! Nakakatuwa ang mga kuro-kuro, komentaryo at kwento ninyo! Matagal ko nang alam na maraming Pinoy sa iba’t ibang sulok ng mundo pero ngayon nagkaroon ako ng ibang klaseng ebidensya! At kahit nadye-german na, o urdu o Thai, interesado pa rin sa wikang kinagisnan. Eh syempre nga kasi, ang kinagisnang wika ang isa sa iilang lamang bagay na talagang masasabi ng isang tao na sarili at nagtatangi sa kanya sa ibang tao. At kahit na natuto na tayo ng iba’t ibang wika, madalas na ang pinakamalalim nating mga emosyon -- ng saya at lungkot, ng pagkatakot at tuwa – ay naihahayag lamang natin sa wikang kinagisnan. Kaya nakakainis at nakakalungkot na dito mismo sa sariling bayan natin, pagdating mo sa syudad, madalas na binabalewala ang kinagisnang wika ng mga probinsyano. Kung sabagay, ang gobyerno natin mismo, mas pinapahalagahan ang Ingles. Maraming ngang pagtatalo tungkol dito. Walang duda na napakamahalaga ng Ingles lalo na kung lalabas ng bansa, pero sa mga nasa probinsya, maghapon-magdamag, araw-araw, ang kanilang wikang mas na ginagamit ay ang lokal na wika. Kaya, sana hindi mabalewala ang ating mga kinagisnang wika kahit na kailangan nating matuto ng ibang wika. Pwede kaya, huwag na muna nating pagtalunan ito? Saka na. Marami pang ibang kwento at mga bagay na dapat linawin. Syanga pala, nabasa ko sa dyaryo noong nakaraang linggo na ang bawat Pebrero 21 pala ay dineklarang International Mother Language Day ng UNESCO noon pang 1999. Ginawa nila ito ”to promote and preserve linguistic and cultural diversity and multilingualism.” Ayon pa sa ulat sa Tempo (Peb. 21. p 3), “Since then, UNESCO has supported programs promoting the study of the languages of major ancient and modern societies. It also established the need to safeguard and preserve not only the world’s major languages but also those of the minority groups’ tongues.” Unahin na siguro nating linawin ang tungkol sa language at dialect. Karamihan sa atin ay language ang tawag Ingles o Espanyol, at pati na ang Tagalog. Pero kung Bikol o Kapampangan o Sebuano, marami na dialect lang ang tawag. Pare-pareho namang wika ito, kung tutuusin, kaya lang, kapag tinawag na dialect, may sinasabi, hindi man hayagan, na ang dialect ay less o inferior, may limitasyon o hindi katumbas ng language. (Babalikan natin ang isyu na ito.) Pero, sabi ng titser ko sa lingguistics, mali ito. Ang Bikol at Sebuano, katulad ng Kapampangan at Ilokano at marami pang salita sa Pilipinas ay maituturing na wika o language. Ang bawat language naman ay karaniwang may iba’t ibang dialect. Halimbawa ang Tagalog, may dialect na Tagalog sa Batangas at dialect na Tagalog sa Bulacan at Tagalog sa Taytay. May mga pagkakaiba sa salita, sa tono siguro, pero nagkakaintindihan. Kapag hindi nagkakaintindihan, magkaibang wika na. Halimbawa, ang Ilokano ba at Pangasinense ay dalawang magkaibang wika? O iisang wika lang, pero magkaibang dialect? Ganito raw ang paraan para malaman ang sagot. Mahirap siguro, pero kung makakahanap ka ng isang Ilokano na walang exposure sa Pangasinense, at isang Pangasinense na walang exposure sa Ilokano, pagharapin at pag-usapin silang dalawa. Kung magkakaintindihan sila, ang mga salita nila ay iisang language, magkaibang dialect lang. Pero kung hindi sila magkaintindihan, kahit kalahating oras na silang nag-uusap, ang mga salita nila ay dalawang magkaibang language. Ayon sa mga linguist, may mga 100 languages sa Pilipinas at mahigit 500 dialects. (Syempre pinagtatalunan kung ilan talaga.) Ang ilan sa major languages (dahil sa dami ng nagsasalita nito) maliban sa Sebuano at Tagalog ay ang Ilokano, Pangasinense, Kapampangan, Bikol, Waray, Ilonggo, Kinaray-a, Tausog. Ang Maliban sa pagiging ganap na wika o language ng mga salitang nabanggit, may isa pang dapat banggitin na wika, ang tinatawag na lingua franca. Ang simpleng depinisyon siguro nito ay – ito ang wika na ginagamit kapag nag-uusap ang dalawang taong magkaiba ang wika. Dito, nagunguna ang Ingles sa maraming okasyon. Kapag ang isang Pilipino ay nakikipag-usap sa isang ’forendyer’, Amerikano man siya o German, Hapon, Bombay (Indian), ang wikang una niyang susubukang gamitin ay Ingles. Malamang na ang forendyer na ito ay susubukan ding mag-Ingles kahit hindi siya gaanong marunong. Kahit papano, may mararating sila kay sa kung ang Pinoy ay magta-Tagalog o Ilokano at ang Hapon naman ay magha-Hapon! Ang tawag sa Ingles sa okasyon na ito ay lingua franca. Sa bawat lugar, lalo na sa mga syudad na halu-halo na ang mga tao, may mga nadebelop nang lingua franca. Sa Baguio, ang lingua franca ng mga Ilokano kapag kausap ang mga taga-Cordillera (Ibaloi, Tingguian, Kalinga, Ifugao na pawang may kanya-kanyang wika) ay Ilokano. Pero kung kausap nila ay mga taga-Maynila o iba pang parte ng Pilipinas ang lingua franca nila Tagalog o yung tinatawag na Pilipino o Filipino. (Syempre marami ring pagtatalo tungkol sa pagkakaiba ng Tagalog sa Pilipino at sa Filipino.) Pero hindi wika ang pinoproblema ng bakasyunistang tinatawaran ang binibiling strawberry at brocolli sa palengke sa Baguio. Presyo ang isyu nila. (Kung gusto talaga ng bakasyunista na makamura sa gulay sa Baguio, maghanap siya ng marunong mag-Ilokano at pumunta sila sa palengke sa likod ng tourist palengke sa bungad.) Sa kabisayaan, hanggang Mindanao may mga lugar na ang lingua franca ay Sebuano, may Ilonggo, may Maranaw, may Tausog, may iba pa. Sa Davao halimbawa, minsan Sebuano, minsan Tagalog. Ang pinakamalinaw sigurong ebidensya tungkol sa mga pangunahing lingua franca sa Pilipinas ay ang wikang ginagamit sa radyo at TV dahil sa ngayon, ang radyo at TV ay ang dalawang pinakamalawak na mass media. Kung pakikinggan ang mga radyo sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, mas madalas na ginagamit ang lokal na salita. Pero ang TV, dahil natiowide ang brodkast ng major TV stations, ang talagang dominanteng wika ay Tagalog/Pilipino/Filipino. Bakit kailangang gumastos ng libu-libo para tagalugin ang mga cartoons? Simple lang ang karanasan ng mga istasyon ng TV. Ang ratings ng cartoons na na-dub sa Tagalog ay kung ilang ulit na mas mataas kaysa doon sa nasa Ingles. At kahit na sariling anak o apo ng mga taga-TV ay nagrereklamo dahil pumangit daw yung cartoons na Tagalog. Mas maganda raw kung nasa Ingles na lang. Teka nga pala, nasaan na ang beefsteak at bistek? Halos nakalimutan ko nang diskasin ang nasa title. Ang gusto ko lang namang sabihin ay ganito: Ang akala ko, ang beefsteak ay isang klaseng luto ng beef. Mas tama yatang sabihin na ito ay isang klaseng hiwa o parte ng beef. Pero ang beefsteak bilang salita ay mahirap bigkasin ng karaniwang Pinoy kaya siguro nagkaroon ng salitang bistek. Ang beefsteak na ulam, ayon sa mga recipe mula sa ibang bansa ay mahirap sundin dahil ang mga ingredients ay hindi lang mahal, minsan wala pa, katulad ng lemon. Ano ang ginawa ng Pinoy sa beefsteak? Nilagyan niya ng kalamansi at toyo. Pinatamis. At para dumami ang ulam, dinamihan ang sabaw. Ang naging tawag niya dito ay bistek. Concerned ba tayo kung magugustuhan ito ng mga Amerikano? Hiniram natin ang salita at ang recipe. Binago natin ang bigkas, binago natin ang ingredients at luto. Ayon sa ating pagsasalita. Ayon sa ating panlasa. Sa bi ng kaibigan kong nagbalikbayan mula sa Japan, tanungin ko daw sa blog na ito kung anu-anong klaseng imbentong luto at ulam ang ginagawa ng mga Pinoy sa iba’t ibang parte na mundo. Ano na nga ba ang mga naimbento nyo? May tawag ba kayo sa mga ito? Monday, February 19. 2007Traysikol o Traysikel?
Traysikol o Traysikel?
Traysikol o traysikel? Bakit hindi trisekleta? Kung ang bicycle ay naging bisekleta, bakit ang tricycle hindi naging trisekleta? At bakit naging traysikol o traysikul sa Bikol, Bisayas, samantalang naging traysikel naman sa Kamaynilaan? Baka sakali hindi nyo pa narinig ang kwentong ito: Ilang taon nang nakikitira si Dodong sa kanyang tiyuhin sa Krus na Ligas. Taga Minglanilla, Cebu si Dodong pero napadpad siya sa Maynila para mag-aral. Isang araw, dumating ang kanyang Nanay galing sa probinsya para dalawin siya. Ganito ang kanilang pag-uusap nang bumama sila ng jeep sa Philcoa galing nang pier. DODONG: Tara na Ma, doon tayo sasakay. NANAY: Anak, ang init naman dito sa Manila, pwede ba, kumain naman tayo papsikol? DODONG: Ma, papsikel, hindi papsikol. NANAY: Ha? Gano’n ba? Maskina aysdrap na lang DODONG: Mamaya na Ma, sa bahay na lang. NANAY: Sige na nga, aling traysikol ba ang sasakyan natin? Itong berde o itong pula? DODONG: Ma, traysikel, hindi traysikol. NANAY: Kailan pa? Eh nuong umalis ako sa Cebu, traysikol ang tawag dyan. Tara na nga, baka hinihintay na tayo ng iyong Angkol. DODONG: Ma, Angkel, hindi Angkol. Hindi na lang umimik ang Nanay ni Dodong at sumakay na sila. Siyempre harurot itong traysikel na traysikol hanggang sa malubak sila nang matindi at maumpog si Dodong. Nag-alala kaagad si Nanay. NANAY: Anak, ok ka lang? Patingin, baka nagka-bukel ka anak! Bukol man o bukel, masakit pa rin yon. Pero bakit nga ba nagkaroon ng pagkakaiba ang translation ng tricycle sa mga lokal na wika? Isa ito sa mga dahilan kung bakit nahilig ako sa mga usapin sa wika. Kahit hindi required sa aking kurso, kumuha ako ng isang lingguistics subject noong college at nadagdagan pa sa Masters (na hindi ko naman natapos). Pero hindi ako tumigil sa pag-aaral sa wika. Noon ngang nagtuturo pa ako sa Psychology department sa Diliman, ang madalas na tinuturo ko ay Psychology of Language. Hindi bihira sa mga Pilipino ang magka-interes sa wika at mga usapin nito dahil sa kanyang buhay, sari-saring karanasan at isyu sa wika ang kanyang mararanasan. Ipinanganak ako at tumira sa bayan ng Gubat, Sorsogon hanggang grade six. Nagkamalay ako na ako ay isang Bikolano na nagsasalita ng Bikol. Pero nang pumasok ako sa eskwela, ang aming libro na may mga tauhang sina Badong, Miling at Nonoy ay nasa salitang Bikol, pero kakaiba sa aming salita. Malalaman ko na ang salitang ito pala ay ang Bikol sa Naga. Bikol din ang salita ng pari, pero hindi rin ito katulad ng aming Bikol. Nahahawig siya sa Bikol sa eskwelahan, pero may pagkakaiba. At hindi ko maintindihan ang ibang ’malalaim’ na Bikol na may kinalaman sa relihiyon at pananampalataya. Malalaman ko rin na kaya pala naiiba dahil ang aming pari ay taga Albay at naiiba rin ang Bikol nila. Sa radyo naman mula sa istasyon sa katabing bayan ng Sorsogon, Bikol din ang salita, pero, uli, hindi siya kapareho ng Bikol na salita namin. Tapos na yata ako ng college nang ma-realize ko na ang salitang Bikol pala namin ay Waray. Ang salita sa Northern Samar – katulad ng sa bayan ng Allen at Catarman, ay halos eksakto sa aming salita. (Siguro dahil noong hindi pa uso ang mga bus at kotse, ang aming bayan, kasama na ang mga bayan ng Barcelona, Bulusan, hanggang Bulan na pawang kapareho namin ng salita, ay mas malapit sa mga bayan sa Northern Samar, sa pamamagitan ng bangka, kay sa ibang mga bayan sa Bikol.) Nang umalis ako ng probinsya para maghayskul sa Maynila, ang una kong kinailangang gawin ay matuto ng Tagalog. Kasama sa pag-aaral ng Tagalog ay ang pag-tanggal ng probinsyanong accent kasi pagtatawanan ka ng mga kaklase mo kung sasabihin mong traysikol imbes na traysikel. ( Dumating pa nga sa puntong nagalit sa akin ang kuya ko nang minsang magtalo kami dahil nagtatagalog ako. Mayabang na daw ako.) Pero kung tutuusin, pareho namang ’mali’ ang traysikol at traysikel. Ang tunog sa Ingles ng ’cle’ na nasa kalagitnaan ng ’kol’ at ’kel’. Pero wala namang tunog na ’cle’ sa mga wika sa Pilipinas, kaya siguro namili na lang ang ating mga wika ng pinakamalapit. Ayon sa nakausap kong linguist tungkol dito, mas ’natural’ sa mga wikang katulad ng Bikol at Sebuano na maging kol o kul ang ’cle’ at sa katagalugan naman ay kel, kaya naging angkel, papsikel, traysikel, bukel. (Oops, pwera na pala itong huli.) Bakit hindi naging trisekleta? Dahil siguro sa mas bago ang tricycle kay sa bisekleta. Ang ibig kong sabihin, panahon pa ng mga Kastila may bisekleta na na kaya ang pagsasalin ay mula sa Espanyol. Samantalang ang tricycle at Ingles na ang batayan ng pagsasalin. Ang daming pwedeng pag-usapan tungkol sa wika, no? Katulad ng longganisa at langgonisa. Aklat, libro, buk, teksbuk. Bus o bas? Perspektibo o perspektiba? Nakakatawa. Nakatatawa. Etc., atbp. Tuesday, January 30. 2007user-friendly (3)
Provincial Bus
Before I’m promdi. I was born and grew up in a Gubat, Sorsogon, a not so small town in Bicol some 600 kilometers from Manila. Back then, in the 60s, (yes, I’m ancient) few travel to Manila via the ‘south road’. We had to take a bus to Legaspi then take the train to Manila. Those who can afford it, would take the plane. Curiously, there was an airport then in Sorsogon, in the town of Bacon which is now part of Sorsogon City. Now, the nearest commercial flight to Sorsogon is via Legaspi, which is more than 50 kilometers from Sorsogon city. Our town is another 20 km farther south. There’s a big difference between the train and bus services in the 60s to the 80s with those of today. The train has gotten really bad, perhaps because land travel has become much better. (I saw a full page ad in the papers yesterday – they have plans of putting trains all over the country. I think I also saw a similar advisory before the last elections.) It’s a pity if these plans don’t materialize because experience in other countries clearly shows that the trains play a major role in solving the mass transport problem. One of the most welcome developments in the bus service to Bicol is the 29-seater which they introduced several years back. It used to be just Philtranco but now, other smaller bus companies have their own competitive versions. In lieu of the 50 plus seating capacity air-conditioned buses that charge higher than the regular ‘ordinary’ ones, the ‘gold’ service of Philtranco has only 29 seats. The bigger seats are only three across – either with 2 aisles (a 1-1-1 galit-galit arrangement or with 1 aisle in a 2 -1 layout per row. These can be reclined, have seat belts, and generous leg room. (Quite unlike many of the buses in EDSA which maximize seating capacity with a 2 and 3 or even 3 and 3 across, and practically no leg room.) For many people, the biggest attraction of this bus is the toilet at the back. After all, the biggest drawback of a long bus trip is going to the toilet. I suspect it’s largely psychological. Using the toilet while the bus is negotiating the curves and zigzags of Maharlika highway at 100 kph is quite hazardous to one’s hygiene. The thought that it’s right there at the back, just in case, is most reassuring. More than just the toilet, better seats and space, there’s a host of value added features: it started with snacks (juice in pouches and chips and bottled water), along with a flannel blanket. Later, the snacks became a Jollibee or Chow King value meal (of their choice). Each bus also has a coach stewardess! These coach stewardesses are as pretty as the ones who serve in-flight drinks, but sound so much different— they tell the passengers how far the bus will travel, ETA and the amenities to be enjoyed in the bus in the Pinoy version of the “southern drawl”. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangang mag-ingles, puro Pinoy naman ang pasahero. (Katulad nitong blog na ’to?, Nag-iingles pilit, puro Pinoy naman ang audience. Malay, baka may maligaw na na forendyer!) In many ways, the bus trip to my hometown has become much more convenient, in many ways. Until lately, when Cebu Pacific has changed the game in domestic travel, PAL charged more than P3,000 for a one-way flight to Legaspi. More than 3 times the cost of the best bus service! At that time, the worst part of the plane ride was getting a ticket. One had to wait for hours at the ticket office. With the exception of Holy Week, the Christmas holidays or fiestas, I could simply call the bus company like Philtranco or CUL transit to reserve a seat. All I need to do next is buy the ticket a couple of hours before departure time which is around dinner time. And by 7 am, I will be having binut-ong for breakfast at home. Thursday, January 11. 2007user-friendly (2)
Caps & Covers
The quality and design of the cap or cover of a product is often an important if not a crucial element of the product itself, like in food products that easily spoil after opening. In baby food, for instance, one can tell if the product has been tampered with, is still good, or already spoiled just by looking at the cap or cover. After all, feeding babies with spoiled food could have very serious consequences. But even with otherwise ordinary products, like caps of toothpaste and shampoo bottles, creative marketers have come up with more user-friendly features that could provide crucial differentiation translating into increased sales. If the competing brands are equally good, the bottle with a more user-friendly cap will have an advantage. Who would have thought that a toothpaste cap can still be improved? It used to be perfect. But with the added flip-top cap, the old cap without the feature suddenly became less than perfect, if not inconvenient. Sometimes the user-friendly features increase the cost of the product. Like Vienna sausage in the easy-open can, or canned drinks. (Right now, a bottle of beer costs less than P20.00 in the supermarket, but the same amount of the same beer in the more user-friendly aluminum can costs more than P20.00.) Despite added costs, however, many people still buy these products. In other words, the user-friendliness of a product increases its value. Does making a product or service user-friendly always entail extra cost? I don’t think so, although I couldn’t think of an example right now. Sometimes though, it is not really the fault of the manufacturer as in the case of the mayonnaise bottle I mentioned earlier. The make and the tightness of the bottle cover could be a necessary feature to ensure the quality (e.g. freshness) of the product. What the consumer needs is knowledge of certain techniques using readily available materials. For instance, until now, I still have those flat rubber cords that I used in making my slingshots when I was a kid. I learned sometime ago that it’s the best tool for opening bottles such as stubborn mayonnaise bottle caps. One of the most annoying sealing mechanisms I continue to put up with is adhesive tape that many grocery stores use to seal plastic packs. This one-centimeter wide colored tape is very user-friendly to the grocer because it comes with a dispenser. When I buy some vegetables, for instance, the grocer simply pulls together the open end of the plastic bag and ‘dips’ it into the tape dispenser. In less than a second, the vegetables are neatly sealed. The problem is when I get home and start opening the bag. Unless I have a pair of scissor or a knife beside me, my blood pressure begins to rise as I struggle to disentangle the crazy adhesive in the plastic bag that comes between me and my veggies! Monday, January 8. 2007user-friendly (1)
Restaurants
User-friendly = Good service: Restaurant staff makes the effort to indicate that certain items in the menu are not available. The dictionary says the term user-friendly was coined only in 1977. When I first heard it, I immediately liked it. I thought, “what a wonderful word to describe things we use!” As someone in mainstream/mass media – writing sitcoms then, the term immediately tells me that if I want people to watch our programs, we must get their attention—these programs must make sense to them, it must entertain them. Later on, as I ventured into the corporate world, the term made more sense. A good product becomes better if one can say it is user-friendly. When it comes to services, user-friendly is hardly used. The preferred terms are good/poor, excellent/lousy, and the like. And these fall under CRM or customer relations management, which is a big thing in many places. I realized, it doesn’t seem to be the case here in the Philippines. Perhaps because the users (of products and services) like you and me seldom complain. Well, let’s start complaining then! But not just complain, we also have to praise and commend the good ones. Being user-friendly seems self explanatory. I mean, who would quarrel with the statement that a restaurant, for instance, should have delicious food and excellent service? The very positive documented effects of user-friendliness on businesses should convince any entrepreneur to make it a priority. Everyday, however, we encounter people and establishments, products and services that need a good dose of the user-friendly pill. As consumers, we have seen and experienced the user-friendly and the not user-friendly, the delightful and the disgusting, products and services. Many people responsible for creating products or running establishments seem to forget about the customer experience. Maybe they haven’t heard of this high school dropout named Howard Schultz who has become one of the biggest successes in recent years, selling experience, and some coffee, too. Maybe they are not just aware that customers are not so happy or very disappointed. Maybe they are too busy with other concerns. They certainly fail to realize how crucial this factor is in the success of their business. Why should I patronize a restaurant with good food but lousy service when I can find one with both good food and excellent service? How come some establishments manage to make their products user-friendly? What does it really take to come up with good, excellent service? Is it that difficult for a restaurant to have fast service, where the waiter is at your side, ready when you need him? Why are there restaurants that have waiters who avoid looking in your direction? And when you finally manage to ask for your bill, why does it take them forever to compute how much a cup of coffee plus taxes cost? Are they waiting for last-minute orders? How user-friendly is our society right now? Are we becoming more user-friendly or are we going in the opposite direction? Which products are user-friendly? Which establishments and services are remarkable? Which are horrible? I have been observing and started listing. The items – both the good ones and the bad ones – are growing. I’d like to share them with you. I hope you could your share your list and observations, too.
(Page 1 of 1, totaling 6 entries)
|
» Jobart Bartolome » Joan Bulauitan » Ruben Canlas Jr » Arnold Clavio » Chay Florentino-Hofilena » Malou Mangahas » Jiggy Manicad » Alecks Pabico » Jaemark Tordecilla » Joe Torres » Chino Trinidad More blogs Calendar
QuicksearchArchivesCategories |
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||


