Tuesday, September 22. 2009Parents without money
I received this comment from “Boy Kamote” on a previous blog when I wrote about how we should teach our children about money.
“Sir sa mga nasabi o nabangit po ninyo ay sang ayon po ako..sa mga may kaya at panggitnang klasipikasyon na mga magulang ay maari nga nilang ipasunod sa kanilang mga anak... paano nakapagtatabi ang isang tao para sa ibang bagay kung hindi naman sasapat sa isa man lang....yun kalidad na bibilin sa palagay niyo po ba makapamili pa kung alin ang maganda at mura.matibay at may pangalan...paano magiging wise ang isang bata sa pamimili kung hindi niya nga kayang bilhin..o ang dungisin ay papasok sa isang mall nanglilimahid sa dumi at amoy siya bay papasukin hindi diba..alam ko poy kagalang galang at matalino, eh ito po lamang ay isang opinyon sa isang sabihin natin na di naman tayo pantay ng antas ng talino at pamumuhay…paano naman po ang mga magulang na ala man lang pera na maipapakitang ehemplo sa kanilang mga anak....yung mga anak na ala pa sa tamang edad ay naghahanapbuhay na para kumita. Kung ikaw na magulang ng ganun bata ano sasabihin mo pa ba o ipapaaral sa kanila ang mga sinasabi mo…baka sagutin ka ng wag mo akong pakialaman...buti sana kung sobra o sapat ang kinikita pero hindi eh salat na salat pa para sa sikmura...nakalungkot man pong isipin yan ay isang bantad na katotohanan…ano ba ang dapat na isaisip pag ikaw ay may pera para sa isang simple at mahirap na magulang...di ba’t ang mapakain mo ang iyong pamilya ng may lasa lasang pagkain…at pag sila’y nas hapag na ng kainan ang masilayan mo silang masaya habang ninanamnam ang konting biyaya na napagsasaluhan…ano ba ang pakiramdam di ba’t nakapagpagaan ng kalooban di bale ng ala kang naitabi at masasabi mo sa iyong sarili na bahala na bukas at sanay palarin na naman na makahanap ng pera para may maipangtustos sa pang araw-araw...” Related to this same article is a comment from “Sam” who says: “The best lesson you’ll give your child is about sharing money. Command it, not money commanding you!” Boy Kamote is right that the advice I give are really for people who are earning some money. This is my chosen advocacy because of my life experiences that I can share. It is what I know best so I choose to share this. But more than this, my advocacy calls for the elimination of a “mindset of entitlement.” This is the attitude that makes people believe that they have the right to demand “help” from the government, their communities and their churches without having to work for it and thus deserve it. They grow up with the misplaced value that money is given, not earned. What Sam said is also correct. However, we can only share what we have. Otherwise, we will not be sharing anything worthwhile. This is where I come from. We need to teach everyone about the need to earn, save, make your savings grow, and share the savings they have grown with others. I teach that as long as we are earning some regular income, we can save. The savings may be minimal but if we have the discipline and determination, we can aspire for greater savings over time. After all, we have so many examples of people who rose from almost nothing into very successful people. I agree that some people are so poor that they cannot even buy food for their children. Such cases are very complex and there are people who choose to help in working on advocacies related to this. Let me just say that for those who have not enough, they still have their intellect and will. Money and all things material are mere creation from ideas. For as long as we are alive, we can think and create good things for us, provided we have the right mindset, the will to improve our lives. I agree that it is natural that we want to be able to give the best food, shelter, clothing, and everything that our family needs. I agree that if we have nothing, it is tempting to give them a moment of joy and forget about tomorrow. But I don’t agree that we should give or spend without thinking of tomorrow. It is an obligation not only to provide but also to leave something for tomorrow. “Bahala na” is the worst mindset to live by! There are people who have risen from the poorest of the poor and made something of themselves. If we go by the thinking of Boy Kamote, that is not possible. But it does happen so it is not just a matter of money; it is an attitude and mindset inculcated in the children. I think that the parents or guardians of such children taught them good VALUES from the time they were small. Values most important are respect, honesty, integrity, resourcefulness, sincerity, discipline, determination, decisiveness, sharing and others. If my child were to reply to me in a manner like “wag mo akong pakialaman...buti sana kung sobra o sapat ang kinikita pero hindi eh salat na salat pa para sa sikmura,” I think I would consider myself a failure in teaching my child many of the said virtues. Since Boy Kamote wrote in Tagalog, here is a Tagalog translation: Tama si Boy Kamote na talaga namang para nga sa mga kumikita ng pera ang mga payo ko. Ito ang pinili kong adbokasiya dahil na rin sa aking mga karanasan. Ito ang alam ko nang husto kaya’t ito ang pinili kong ibahagi. Mas mahalaga ay ang aking adbokasiya na dapat ibasura natin ang pananaw na may utang sa atin ang ating gobiyerno at ating komunidad kung kaya dapat sila ay mag bigay ng tulong kung tayo ang may pangangailangan. Itama natin itong pananaw na ito sa isang saloobin na ang tulong galing kaninoman ay dapat karapat-dapat sa tumatanggap. Tumpak rin ang sinabi ni Sam. Ngunit, maari lang nating ibahagi ang meron tayo. Kailangan nating turuan ang lahat tungkol sa pangangailangang kumita, mag-ipon, magpalago ng naipon, at magbahagi ng biyaya sa kapwa. Lagi kong sinasabi na hangga’t kumikita tayo, maari tayong mag-ipon. Maaring maliit lamang ang ipon ngunit sa tulong ng disiplina at determinasyon, tiyak na lalago ang ipon. Sa katunayan, napakaraming tao na ang nagtagumpay bagama’t nagsimula sa wala. Totoong may mga taong lubos ang karukhaan na kahit pagkain na lamang ay hindi nila maipagkaloob sa mga anak. Masalimuot ang mga kasong ganito at may mga tao at ibang grupo na nagtataguyod ng mga adbokasiyang kaugnay dito. Ngunit tandaan na bagama’t kapos sa pera, may taglay pa rin tayong karunungan at pagpapasya. Ang pera at mga materyal na bagay ay pawang mga likha lamang ng karunungan at ideya. Hangga’t tayo’y nabubuhay, maari tayong mag-isip at lumikha ng mga bagay na ikabubuti natin, basta’t may tamang pag-iisip (mindset), at ang kagustuhan o pagpapasya (will) na paunlarin ang ating buhay. Sumasang-ayon ako na likas lamang na maghangad ng pinakamainam na pagkain, tirahan, damit at iba pang pangangailangan para sa pamilya. Nauunawaan ko rin na kapag tayo’y kapos, natutukso tayong piliin ang panandaliang ginhawa at kalimutan ang pangangailangan sa kinabukasan. Ngunit hindi tayo dapat gumastos nang hindi iniisip ang ating kinabukasan. Obligasyon natin na mag-iwan para sa kinabukasan! Wala tayong mararating kung ipinagkakatiwala ang ating kinabukasan sa “Bahala na”! May mga taong nagtagumpay bagama’t nanggaling sa labis-labis na kahirapan. Kung paparisan ang pag-iisip ni Boy Kamote, hindi posible ang ganitong tagumpay. Dahil marami na ang umasenso mula sa kahirapan, masasabing hindi lamang pera ang kailangan, napakahalaga rin ng tamang pag-iisip (mindset) at pagpapasya (will) na naituro sa mga bata. Sa tingin ko, ang mga umasenso mula sa kahirapan ay iyong mga naturuan ng tamang pagpapahalaga (values) habang sila’y bata pa. Ang mga mahahalagang maituturo sa mga bata ay ang: paggalang, katapatan, integridad, pagiging maparaan, sinseridad, disiplina, determinasyon, maagap na pagpapasya, pagbabahagi at iba pa. Kapag sinagot ako ng aking anak ng “wag mo akong pakialaman...buti sana kung sobra o sapat ang kinikita pero hindi eh salat na salat pa para sa sikmura”, sa tingin ko’y nabigo akong ituro sa kaniya ang mga tamang pagpapahalaga. Nagpapatuloy ng libreng seminar na itinataguyod ng CFE, SM Malls, PLDT, Universal Motors UrVan, KSK Coop at iba pa tuwing Sabado, 4-6pm, sa: Sept. 26 SM Marilao, Oct 3 – SMCity Pampanga; SM Lucena Oct 17; SM Baguio – Oct 24. Sa mga nangangailangan ng mas malalim na pagsusuri ng kanilang kalagayang pinansyal at ng mga legal na retail investment options, mayroon kaming mga seminar para sa inyo. Mangyari lang tumawag kay Ms. Grace sa 637-3741 o 6373731. Trackbacks
Trackback specific URI for this entry
No Trackbacks
Comments
Display comments as
(Linear | Threaded)
pag ang magulang walang pera,ano ang dapat gawin para magkapera?
maraming paraan,nasa diskarte lang naman yan ng bawat nilalang. Ako kung walang pera,pupunta ako sa maypera,magtatrabaho sa kanila para swelduhan nila. Ang problema sa pinas maraming tao,kulang sa trabaho resulta gutom,krimen dito krimen doon. dapat kasi ang gobyerno limitahan na nila ang mga babaing naninirahan sa pinas,dapat hanggang dalawa na lang ang pwedeng ianak ng bawat babae para hindi na dumami ng husto ang populasyon. saka mga taong wala naman pakinabang,nagiging problema lang ng lipunan dapat dyan pinapatulog na lang,para mabawasan na ang sobrang dami ng mga tambay,walang trabaho,walang pera pero may mga bisyo pa. dapat dyan inililigpit na ng kalikasan dahil sila ang sumisira sa magandang mundo ating pinaninirahan. ano?? pag wala ka pera,punta ka lang sa may pera para mag trabaho...he!he!he!...magaling ka nga dumiskarte...ganoon lang kadale..eh di dapat marami na ngayon ang mga me kayod kesa wala...pwede pa sabihin mo punta ka may pera para pag nakawan o hold-upin mo...yan ang diskarte....
dapat pag-tuunan ng pamahalaan ang programang pangkabuhayan na talagang pangbayan at hindi pansariling pang kabuhayan nilang namamahala... maging aral sa atin ang mga masisipag na insekto,kagaya ng gagamba..ilang ulit mang masira ang bahay nito,paulit-ulit niyng kukumpunihin ito...ang mga langgam na nag iimbak ng kanilang pagkain habang maganda ang panahon..sa pagdating ng tag-ulan sila'y may nakakain. bakit kang walang pera?
bakit wala kang trabaho? ano ba ang gusto mo sa buhay? may paraan ka bang ginagawa para matupad ito? malinis at patas ka bang magsikap? bakit wala kang pera? Ang sinasabi sa atin ay pwede tayong magtipid basta merong sobra. Pwede, kasi kahit magtinda ka lang banana que, samalamig, yosi etc. basta meron kang kikitain ay makakapagtabi ka. Determinasyon lang talaga at wag bumili ng mga di kailangan.
Pero sa bansang ito ng Pilipinas wala na tayong pag-asa kasi inuuna ang inom, masamang barkada at kung anu-ano pang masasamang bisyo. Dapat ay magsikap sa bawat araw na dumarating. Marami ang nag-aabroad kasi wala namang makuhang maganda-gandang sahod sa pinas. Ang resulta: napakaraming malls ang tinatayo dahil sa mga OFW na gusto ay sa mall mamili. Wala rin tuloy ipon sila. Meron pa bang solusyon? Mag-negosyo? Ang daming problema ng pinas. Mabuti pa isipin na lang muna ang ikabubuti ng kabuhayan at wag umasa sa gobyerno. Sawa na tayo sa mga pangako. Pag wala pera pinoy mag ra rally. Pag pinag aral mo mga anak mo, pupunta sa rally at papasukin ang Malacanang. Pag nasaktan sasabihin inabuso sila ng PSG o ng mga Pulis. pinag aral mo pero di papasok at di mag aaral? Ano ngayon ang tama?
Eto lang ang ibang mga nakikita ko sa mga kababayan natin ngayon. Ang bayani eh di na pinapatay ngayon sa Luneta, kundi sa kalye nalang. Ngayon, sino ang gusto maging bayani? Ako? Ayoko nga! Sarap mag laro ng Grand Theft Auto 4 at lumamon sa bahay at uminom pagkatapos mag trabaho. So pakialam ko sa inyo? Kahalagahan ng pera usapan dito at di pagka pilipino ko. Masama ako? hindi po. Nagsawa lang po makinig sa mga away ng mga walang kwentang pulitika sa ating bansa. Daig pa ang Rosalinda kung umarte ang mga politiko natin ngayon. NAPAKA WALANG KWENTA! Nakakaawa ang bansa natin. Nakakahiya! Mr. Colayco, maraming salamat sa mga ibinahagi niyo. Sang-ayon ako sa mga sinabi mo, partikular dun sa pagwawasto ng "mindset of entitlement". Marami naman talaga sa mga di nakakaangat sa buhay ang may ganitong pananaw, na may obligasyon ang mundo na magbigay na lang sa kanila ng tulong kahit hindi nila tinutulungan ang mga sarili nila.
Galing din ako sa wala pero nagsumikap akong mag-aral at may disiplina ako sa sarili kaya ako'y nakapag-ipon kahit papaano. Ang ganitong ugali ay naipamana ko na rin sa aking anak. Ang mga trabahong nakukuha ko ay dahil sa taglay kong kaalaman na nakuha ko sa pag-aaral at pagtitiyaga. Edukasyon ang susi upang maiangat mo ang sarili mo sa kahirapan. More power to you, Mr. Colayco. Keep on blogging. Hopefully, you can influence more people like Boy Kamote. Sang-ayon ako sa sinasabi mo. Ang susi para tayo makakapag-ipon ay ang simpleng pamumuhay lamang. Ang mga magulang ay magiging modelo sa kanyang mga anak ng kasipagan at pagsinop sa pera. Sa bulok ng sistema ng ating gobyerno o ng mga politiko na kurakot, lalong nalugmok ang ating bansa sa hirap kaya marami ang pinili na lang mangibang bansa. Kaya kailangan matuto silang mag impok ng pinaghirapan nila sa ibang bansa, iwasan ang luho lalo na ng mga kamag-anak na naiwan sa Pilipinas.
Sir,
Paano po ba ang mag-invest? ano po ba ang mga options sa isang katulad ko na nasa Saudi Arabia ang buong pamilya. Paano kami makaka attend ng inyong seminar? Gumagalang, Dong Eito Riyadh Magbasa ka mabuti:
Nagpapatuloy ng libreng seminar na itinataguyod ng CFE, SM Malls, PLDT, Universal Motors UrVan, KSK Coop at iba pa tuwing Sabado, 4-6pm, sa: Sept. 26 SM Marilao, Oct 3 – SMCity Pampanga; SM Lucena Oct 17; SM Baguio – Oct 24. Sa mga nangangailangan ng mas malalim na pagsusuri ng kanilang kalagayang pinansyal at ng mga legal na retail investment options, mayroon kaming mga seminar para sa inyo. Mangyari lang tumawag kay Ms. Grace sa 637-3741 o 6373731. To:Mr Colayco.
Sir nagsimula po ako mag-invest ng 100,000 sa mutual fund MMCFP sa kabuhayan o balanced fund nung jan. 2008 pa but tanong ko lang po sir mag-totwo years na po ang pera ko dun eh negative pa po yung gross income ko kapag tinitignan ko sa website nila-eh bakit po ganun sir, baka kung time deposit ko na lang sana ang pera sa banko kumita na ako kahit papaano po sir.maraming slamat po. pag walang pera, magtrabaho.
pag may trabaho, iwasang mangutang. mas lalong iwasang umutang pag walang trabaho. pag may utang, bayaran agad. kung gagastos, iwasan ulit ang mangutang at gumastos lamang nang sapat sa budget. at, sikapin ngang mag-ipon...kahit gaano kaunti. ang isang malaking drum, pede pa ring mapuno ng mahinang mga patak ng tubig. Para ho sa komento ni G. Boy Kamote, labis akong nahahabag sa iyong pananaw sa buhay na marahil ay eto ang naging resulta ng naging buhay mo sa iyong magulang. Alam ko na tayo ay hindi nilalang na pareparehong mayroong likas na yaman pero tayo ay binigyan ng kaisipan at damdamin upang ating palaguin at pagyamin. Hindi ako nabibilang sa eletista(elite) bagkus ako ay produkto ng kahirapan pero dahil sa pagkalam ng aking sikmura ay natuto akong magsikap - nag aral sa pampublikong paaralan - hanggang makatapos ng kolehiyo - at kahit kelan mula kamusmusan hindi ako nakatuntong sa mall, nakaranas magsuot ng disenteng pananamit o gamit - kung hindi ngayon lang ng ako ay maging isang ganap na propesyonal. Ano ang gusto kung ipahiwatig? Nakakuha ako ng tulong sa gobyerno para tulungan ang sarili ko na pagyamanin ng sa ganun ay hindi ako maging isang palamunin ng aking magulang o kaya ay maging isang palagiang suliranin ng lipunan. Hindi rin po ako katalinuhan pero dahil sa tamang pagpapalaki ng aking magulang natutong akong magpahalaga sa bawat oras/panahon na kailangang ako ay kumilos para mabuhay ng disente at maayos.
Ganyan talaga ang buhay ng tao. Walang mahirap kung walanng mayaman. Malang magugutom kung lahat ay pantay-pantay. lahat tayo ay may kanya-kanyang dahilan sa buhay, nasa sa atin lang kung paano tayo mamumuhay.
Mag-impok kapag meron. Kahit gano kaliit pwede paring subukan. Para kapag nagutom meron tayong kahit ilan lang para lang tustusan ang gutom na ating nararamdaman. Kapag meron naman wag ubos-ubos biyaya para bukas ay hindi tayo nakatingala. Don't loose hope. May araw rin na may tutulong sa atin. boy kamote,
isa kang tamad.... tamad ka na nga napakaliit pa ang utak... pumunta ka sa probenciya namin at sigurado ko mabubuhay ka doon kasama pati pamilya mo, basta magsumikap ka lng... maraming bakanteng mga bukirin sa probincya... makibukid ka sa mga may lupain... at kng magsipag ka, tiyak ko kahit dalawa sa mga anak mo ay pwede mo pag aralin ng sabay sa colegio... at pag napatapos mo na sila sa colegio, meron na silang armas sa paghanap ng maayos ayos na trabaho... at mabibigyan ka ng pambili mo ng gin bulag... to miss karen, tumpak ang mga nasabi mo... Pag wala pera pinoy mag ra rally. Pag pinag aral mo mga anak mo, pupunta sa rally at papasukin ang Malacanang. Pag nasaktan sasabihin inabuso sila ng PSG o ng mga Pulis. pinag aral mo pero di papasok at di mag aaral? Ano ngayon ang tama?
Eto lang ang ibang mga nakikita ko sa mga kababayan natin ngayon. Ang bayani eh di na pinapatay ngayon sa Luneta, kundi sa kalye nalang. Ngayon, sino ang gusto maging bayani? Ako? Ayoko nga! Sarap mag laro ng Grand Theft Auto 4 at lumamon sa bahay at uminom pagkatapos mag trabaho. So pakialam ko sa inyo? Kahalagahan ng pera usapan dito at di pagka pilipino ko. Masama ako? hindi po. Nagsawa lang po makinig sa mga away ng mga walang kwentang pulitika sa ating bansa. Daig pa ang Rosalinda kung umarte ang mga politiko natin ngayon. NAPAKA WALANG KWENTA! Nakakaawa ang bansa natin. Nakakahiya! Sa lahat,
Swerte tayo sa kahit anong meron tayo. Lahat tayo may kailangan sa buhay. Wala tayong karapatan para pagsabihan ang kahit na sino ng kung anu-ano lang. Wala tayong karapatan para magsalita kung sa palagay natin ay mali ang sinasabi ng ibang tao. Ang mga sinasaisip at nararamdaman natin ay base lamang sa ating nararanasan sa buhay. Wag tayong maging mayabang. Maging bukas lamang dapat ang ating isipan sa lahat ng bagay. Matuto. Magbigay. Magbahagi. Magturo. Maging matatag. Makinig. Makiramdam. Matutong tumulong. Matutong tumanggap ng kung anong meron tayo. Pero wag makuntento sa kung ano lang ang meron tayo. Matutong mangarap sa mas mataas sa kung anong meron tayo. Magsumikap. Magpakumbaba. Wag maging mayabang. naiintindihan ko ang pinupunto ni boy kamote, kung ang pamilya mo nga naman ay lugmok sa kahirapan na tsambahan nlang kung maghapunan o magtanghalian.. paano mo po magagabayan ng maayos ang anak mo, at malamang wala kang respetong makukuha sa kanila sa uri ng pamumuhay nyo.. Mas iintindihin nalang nila kumayod sa sarili nila para may pagkain kaysa mag-aral. exceptional naman ang mga iilan bata na nakakaya magtrabaho at magaral ng sabay. Alam ko ang pakiramdan na para kang nakakulong sa kahirapan, kahit na gaanon tindi pa ng pagsisikap gawin mo parang lalo ka binabaon. Masakit, mahirap, nakakabuwang talaga pero nasa sa atin parin talaga ang pagbabago ng buhay natin, kung tayo susuko wala na talaga tayo pupuntahan sa buhay.
Mahirap din ako at mahirap pa rin ako, pero nagsisikap para umaangat ang antas ng pamumuhay katulong ang aking may bahay.. Simple lang naman pangarap ko, kapag nakapag negosyo ako. tutulong ako sa mga mahihirap pero di sa pagbigay ng pera o pagkain katulad ng mga pulitiko nagpapa pogi. Magbibigay ako ng trabaho.. Sana kung magiisip talangka din lang tayo mga pinoy.. maghilaan nalang tayo pataas, kaysa pababa... anong maghilaan pataas eh crab dapat sa dagat o ilog pumunta doon mabubuhay ang mga may crab mentality dahil makahuli lang sila ng maliit na isda busog na sila.
ang masasabi ko lang ang taong tamad walang pera,ang taong masipag maypera. Salamat Mr. Colayco sa blog ninyo. Napakaganda ng tema na ito at kahit na umiiral ang iba't-ibang pananaw dahil sa magkakaibang pamantayan sa pamumuhay, kung may katuwiran naman, dapat din nating pakinggan.
I support your advocacy and I hope it continues to influence our other kababayan especially those who are in the government sector. Lazy hands make a man poor,
but diligent hands bring wealth. He who gathers crops in summer is a wise son, but he who sleeps during harvest is a disgraceful son. PROVERBS 10:4,5 naniniwala po ako ke mr. colayco. nagtrabaho ako ng minimum ang sahod ko pero kahit papano nakapagtabi ako. simula nung naalala ko na kelangan ko ng pera nung elementary pa ko kelangan me matitira para sa d inaasahang mangyari. d ako mayaman ngayon pero masasabi ko na kaya ko mabuhay ng 1 taon na walang trabaho dahil me nakahanda ako. ang paghahanda ay nasa tao po hindi nasa kinikita nito...
Pwede ring wag nang magbalak magkaanak o wag nang dagdagan pa ang mga anak kung hindi lang din sila mapapakain/maitataguyod nang maayos.
|
Latest Posts
Tuesday, September 22. 2009» Parents without moneyArchivesCalendarQuicksearchCategoriesSyndicate This Blog |
